Sangguniang Laiko, maninindigan laban sa Death at anti-family bills

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 534 total reads

Tiniyak ng Sangguniang Layko ng Pilipinas na magbabantay laban sa mga panukalang batas na isusulong ng mga bagong halal na mambabatas sa mataas at mababang kapulungan.

Ayon kay Dr. Marita Wasan, pangulo ng Sangguniang Layko ng Pilipinas, hindi magtatapos sa halalan ang pagbabantay lalo na sa mga death, anti-poor at anti-family bills na matagal nang tinutulan ng simbahan.

Iginiit ni Wasan na hindi matitinag bagkus ay muling kikilos ang simbahan para ipaglaban ang mga batas na hindi sang-ayon sa turo ng simbahang katolika kabilang na ang usapin ng death bills kabilang na ang death penalty, aborsyon at same sex marriage.

“With that kind of stand ang simbahan katoliko ay hindi matitinag at muling kikilos para ipaglaban ang mga batas na lilikhain nila which is address to the family kasi para sa atin mahalaga ang pamilya, mahalga ang bawat isa,” ayon kay Wasan sa panayam ng Radio Veritas.

Sa pagpapatuloy ng partial unofficial count ng Board of Canvassers nanatiling nangunguna sa Magic 12 ang mga kandidato ng administrasyon kabilang na si dating PNP chief Ronald Dela Rosa na pabor sa death penalty.

“Ang mga batas na kanilang ihahain ngayon ay dapat nating suriin lalu na ng mga katoliko. Tama kayo dapat ang mga katoliko ay nakikilahok sa mga usapin. Bawat buhay ay mahalaga, may dignidad at dapat na ipaglaban lalu na ang walang kalaban-laban,” ayon kay Wasan.

Una na ring nanawagan si Rodolfo Diamante, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care sa mga bagong mahahalal na mga mambabatas na isantabi na ang panukalang parusang bitay.

Giit pa ni Diamante ang panukala ay paglabag sa kasagraduhan ng buhay, sa mga mahihirap at magsusulong lamang ng kultura ng karahasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 128,677 total reads

 128,677 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 265,527 total reads

 265,527 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 381,302 total reads

 381,302 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 496,439 total reads

 496,439 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top