Pagkilala ng Senado sa kaarawan ng birheng Maria, pinuri ng CBCP-ECMI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 629 total reads

Pinuri ni Diocese of Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, ang senado matapos nitong aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill 1983 na nagtatakda na Special Non-working Holiday ang September 8.

Sa araw na ito, ipinagdiriwang ng mga Katoliko ang kaarawan ng Mahal na Birheng Maria na ina ng tagapagligtas na si Hesus.

Ayon sa Obispo, ang aksyong ito ng senado ang nagpapatunay ng pagiging “maka-ina” at maka Diyos” ng mga Filipino.

Bukod dito, ipinapakita rin ng senado ang pagrespeto sa malalim na pamimintuho ng mga Filipino sa Ina ng tagapagligtas ng sanlibutan.

“It speaks truly about our Filipino natures of “maka-ina,” and “maka Diyos.” The Senate rightfully did what we Filipinos hold dear in hearts, the Senate publicly manifested that our country is Marian, our country “pueblo mas amante de Maria.” Mensahe ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Noong 2017 unang nilagdaang at idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang National Holiday ang kapistahan ng Immaculada Conception o Kalinis-linisang paglilihi ni Maria na ipinagdiriwang ng ika-8 ng Disyembre.

Kilala ang Pilipinas sa malalim na pamimintuho nito sa Mahal na Birheng Maria.

Tinatayang dalawamput isang mga katedral sa buong bansa ang nakatalaga sa Mahal na Ina at ang labintatlo dito ay nakapangalan sa Mahal na Birhen ng Immaculada Conception.

Sa kasalukuyan, mahigit na rin sa apatnapu ang Canonically Crowned Images ng Birheng Maria sa Pilipinas, matapos ang pagkilalang iginawad dito ng Vatican at ng Santo Papa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 23,586 total reads

 23,586 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 62,163 total reads

 62,163 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 97,463 total reads

 97,463 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 323,732 total reads

 323,732 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 215,619 total reads

 215,619 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 35,809 total reads

 35,809 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 28,701 total reads

 28,701 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top