Pope Francis sinariwa sa Luzon Bishops ang magandang karanasan sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 477 total reads

Pag-uusap ng isang ama sa kanyang pamilya.

Ganito inilarawan ni Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang pakikipagpulong ng mga Obispo ng Luzon kay Pope Francis Kabanalan sa kanilang ‘Ad Limina Visit’.

Inihayag ni Bishop Santos na sinariwa ng Santo Papa sa Luzon Bishops ang magandang karanasan nang bumisita ito sa Pilipinas noong 2015 kung saan personal na nasaksihan ang masidhing pananampalataya ng mga Filipino.

It is indeed a grace to meet our beloved Pope Francis. The meeting was so personal, like a family gathered around with the father. Like a caring father, without prepared text, Pope Francis spoke from his heart, recalling the deep faith of Filipinos shown during the his papal visit, repeating with smiles the endearment of Filipinos with our “Lolo Kiko,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Sa pagtatagpo ng mga Obispo sa Pinunong Pastol ng Simbahang Katolika, malaya ang bawat isa na nagtanong kung saan pinakikinggang mabuti at malugod na sinagot ni Pope Francis ang bawat katanungan.

Muling inihayag ng Santo Papa ang kahalagahan ng pag-ibig sa kapwa at paglilingkod sa Simbahan partikular ang pagkalinga sa mga maliliit at tagapagtanggol sa mga walang boses sa lipunan.

Our Holy Father always speaks of love and service of the Church. To love is to serve. To serve is to love especially the voiceless and the vulnerable,” saad ni Bishop Santos.

PAGPAPAHALAGA SA MGA MIGRANTE AT REFUGEES

Dahil dito, tiniyak ni Bishop Santos bilang pinuno ng CBCP – ECMI ang patuloy na paglilingkod at pagkalinga sa mamamayan partikular sa mga migrante at mga refugees tulad ng pagpapakita ng suporta ni Pope Francis sa kanilang sektor.

Sinabi ng Obispo na bilang isang mabuting pastol sa kawan ng Panginoon, mahalagang maiparamdam sa mga nangangailangan ng kalinga ang pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan.

On my part, I impart that as bishop for the pastoral care migrants and as ICMC coordinator for Asia, the gratitude and appreciation of migrants and refugees for his concern and compassion for them, he gives them a voice and being the voice of migrants and refugees,” saad pa ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Batay sa pag-aaral ng United Nation Refugees and Migrants mahigit sa 285 milyon na ang bilang ng mga migrante sa buong mundo kabilang na dito ang mahigit sampung milyong Overseas Filipino Workers sa iba’t ibang bahagi ng daigdig na naghahanapbuhay malayo sa kanilang pamilya dahil sa kawalang sapat na kita at oportunidad sa sariling mga bansa.

Samantala naitala naman ang 65.6 na milyong mga refugees noong 2017 na napilitang umalis sa kanilang mga bansa dahil sa kaguluhan, karahasan at kawalang paggalang sa karapatang pantao.

Ibinahagi pa ni Bishop Santos na si Pope Francis ang nangunguna sa pananawagan sa mga namumuno sa bawat bansa na protektahan ang mga migrante at refugees at buong pusong tanggapin sa komunidad.

With him [Pope Francis], he awakens the conscience of leaders to welcome, to protect and to promote the rights and wellbeing of migrants and refugees,” sinabi pa ng Obispo.

Matapos ang pulong ng mga Obispo kasama ni Pope Francis, ipinapanalangin nito ang Pilipinas kasabay ng kahilingang patuloy ipagdasal ang kanyang pamamahala sa Simbahang Katolika na may 1.3 bilyong kasapi sa buong mundo.

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 2,905 total reads

 2,905 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 35,334 total reads

 35,334 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 120,043 total reads

 120,043 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 157,416 total reads

 157,416 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 188,675 total reads

 188,675 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 259,958 total reads

 259,958 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top