CHR, suportado ang Bawal Bastos Act

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 609 total reads

Nasasaad sa encyclical ni Pope John 23rd na MATER ET MAGISTRA on Christianity and Social Progress na walang halaga ang kaunlaran sa lipunan kung hindi binibigyang pagkilala ang dignidad ng bawat isa.

Nagpahayag naman ng papuri ang Commission on Human Rights (CHR) sa pagsasabatas ng Safe Streets, Public Spaces and Workplace Act na kilala rin bilang ‘Bawal Bastos’ bill.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, makikibahagi ang komisyon upang matiyak ang maayos na implementasyon ng batas na naglalayong pangalagaan ang seguridad ang karapatan ng bawat mamamayan lalu na ang mga itinuring na mahihina sa lipunan.

Binigyang diin ni De Guia na dapat na ituring na hamon ng bawat isa ang batas upang pagsumikapang magkaroon ng kaayusan sa lipunan na nabibigyang paggalang at pagpapahalaga ang karapatan at dignidad ng bawat isa.

“The Commission on Human Rights lauds the passage of the Safe Streets, Public Spaces and Workplace Act, also known as the ‘Bawal Bastos’ bill. To achieve its purpose, the Commission looks forward to its meaningful implementation to ensure that the rights of vulnerable and disadvantaged are protected in every part of the country. The greater challenge to us all is to work on a society that is free from discrimination, a community safe to express one’s self, and a country with respect to everyone’s rights and dignity,” ang bahagi ng pahayag ni de Guia sa Radyo Veritas.

Naniniwala rin ang CHR na dahil sa pagsasabatas sa Bawal Bastos Bill ay magkakaroon na rin ng kapanatagan hindi lamang ang mga kababaihan kundi ang bawat mamamayan sa pagkakaroon ng seguridad mula sa iba’t ibang uri ng pambabastos hindi lamang sa mga lansangan kundi maging sa loob ng mga paaralan, tanggapan at iba pang lugar sa bansa.

“A national legislation further strengthens the commitment to curb gender-based sexual harassment in streets, schools, workplaces, and other similar places,” dagdag pa ni De Guia.

Sa ilalim ng panibagong batas, mahigpit na ipinagbabawal ang unwanted invitations, panunutsot, paninipol, pagmumura, pagtawag ng mga malalaswang salita, public masturbation, pagpapakita ng ari, panghihipo at iba pang verbal at physical na paraan ng pambabastos hindi lamang sa mga kababaihan kundi maging sa mga kasapi ng LGBTQIA+ community.

Pagkakakulong sa loob ng isa hanggang anim na buwan, multa na hanggang sa P10,000 at walong oras o higit pang community service ang parusang ipapataw sa mga mahuhuling lalabag sa batas.

Isasailalim rin ang mga mahuhuli at mapapatunayang lumabag sa batas sa gender sensitivity seminar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 7,264 total reads

 7,264 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 94,153 total reads

 94,153 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 131,526 total reads

 131,526 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 162,787 total reads

 162,787 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 235,244 total reads

 235,244 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 32,037 total reads

 32,037 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top