Philippine Columban Missionaries, nagdiwang ng ika-90 taon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 688 total reads

Nagdiwang ng ika-90 taon ang Missionary Society of St. Columban o MSSC Philippines ngayong ika-30 ng Mayo.

Ibinahagi ng grupo ang karanasan ng mga unang misyonerong pari na dumating sa bansa at nakasaksi sa pinagdaanan ng mga mahihirap na Pilipino.

Sinariwa din ng mga Columban ang paglilingkod na inialay nito sa Pilipinas noong panahon ng Martial Law kung saan isang Columban Priest at anim na laykong misyonero ang inakusahan at ikinulong dahil sa pagtulong sa mga mahihirap.

“During the martial law years, the Columbans stayed with the people they served. Two Columban priests, together with a diocesan priest and six lay workers, were falsely accused and put into prison because of their work with the poor,” Bahagi ng pahayag ng MSSC Philippines.

Isinusulong din ng Columban Missionaries ang kapayapaan sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano, sa kabila ng pagkakapaslang sa kanilang dalawang misyonero habang nakikipag-diyalogo sa Lanao del Sur.

Sa ika-90 taon ng Kongregasyon, tiniyak ng MSSC na magpapatuloy ang pagtulong nito sa mga mahihirap kasama na ang pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan.

Sinabi ng MSSC na sa 90 taong paglilingkod nito sa Pilipinas, nakita nitong ang pagkasira ng kalikasan ang isa sa malalaking salik na nagdadala ng paghihirap sa bansa.

“Over the years, the Columban missionaries have realized that the system that creates and perpetuates poverty is also destroying planet Earth. Together with the people, they have protested and organized pickets against logging, and later on against mining. A priority of the Columbans is to care for our fragile planet as urged by the Catholic Bishops Conference of the Philippines’ 1988 pastoral letter, “What is Happening to Our Beautiful Land”, and by Pope Francis’ “Laudato Si’ On the Care of Our Common Home,” Bahagi ng pahayag ng MSSC Philippines.

hinimok ng mga Columban ang iba pang mananampalataya, lalo na ang mga kabataan na makiisa sa pamamagitan ng pagiging isang lay missionary o Columban Missionary priest.

Ika-30 ng Mayo, 1929 nang unang dumating ang Missionary Society of St. Columban sa Our Lady of Remedies Parish, Malate, Maynila.

Mula sa tatlong pari noong 1929, mayroon na ngayong 257 Columban Missionaries na naglilingkod sa 150 mga parokya at labintatlong mga Diyosesis sa buong Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 15,774 total reads

 15,774 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 52,876 total reads

 52,876 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 279,146 total reads

 279,146 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 172,613 total reads

 172,613 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 265,852 total reads

 265,852 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 34,650 total reads

 34,650 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 27,546 total reads

 27,546 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top