Philantrophic Development Office ng Vincentian Foundation, binuksan sa mga donor

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 649 total reads

Pormal nang pinasinayaan ang Philantrophic Development Office ng Vincentian Foundation sa loob ng Santuario de San Vicente de Paul sa Tandang Sora, Quezon City.

Ayon kay Rev. Fr. Gerald Borja, CM, ang Executive Director at Philantrophic Development Director ng Vincentian Foundation, ang PDO ay isang tanggapan na mangangasiwa sa ugnayan ng mga taong nagkakaloob ng mga donasyon sa foundation.

Aniya, mahalagang matutukan din ng foundation ang pakikipag-ugnayan sa mga nagbibigay ng tulong upang maramdaman ng mga donors ang kalinga at pagpapahalaga ng institusyon.

“Gustong mangyari namin [Vincentian Foundation] sila [donors] ay makatulong sa foundation at the same time as they give, as they donate sa foundation gusto din namin na maging maganda ang karanasan maging rewarding and fulfilling; so it’s going to be an ongoing relationship between the foundation and the donors para mutually beneficial for everbody,” pahayag ni Fr. Borja sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ng Pari na ang pagiging biyaya sa kapwa ay kalugod-lugod sa Panginoon kaya’t higit na pinagpapala ang mga nagtutulungan sa pamayanan.

Hinimok ni Fr. Borja ang mananampalataya na makiisa sa mga programa ng Simbahang Katolika at magbahagi hindi lamang ng salapi kundi ng kakayahan para sa mga nangangailangan.

“Gusto po namin kayong hikayatin na mag-donate na magbigay ng inyong sarili hindi lamang ng pera kundi part ng inyong resources, panahon, kaalaman, at expertise; kapag ginawa po natin ito, hindi lang po tayo makatutulong sa nangangailangan kundi tayo rin ay mabeblessed,” ani ni Fr. Borja.

Kabilang sa mga proyektong tinututukan ng Vincentian Foundation ang pagkaloob at pagkalinga sa mga walang tahanan.

Tinukoy ng Foundation ang malawak na suliranin ng homelessness sa bansa na batay sa tala ng Philippine Statistics Authority noong 2018 ay 4.5 milyong katao ang walang tirahan kung saan 3 milyon dito ay nasa Metro Manila.

Bukod sa pabahay, tinutulungan din ng foundation ang mga batang may kapansanan, mga may edad na walang nag-aaruga at mga katutubo sa mga lalawigan partikular ang mga Subanen sa Misamis Oriental.

PAGKILALA AT PASASALAMAT

Samantala, labis naman ang pasasalamat ni Althea Bargan, 15 taong gulang, sa mga tulong ng Vincentian Foundation na nagpapagaan sa kalagayan ng kanilang pamilya.
Ang pamilya nito ay isa sa mga benepisyaryo ng bamboo house program ng foundation sa Bagong Silangan Quezon City kung saan higit sa 50 bahay na ang naitayo.

“Nagpapasalamat po ako ng sobra-sobra dahil malaki pong tulong ang naibigay nila [Vincentian Foundation] sa amin,” ani ni Bargan.

Mensahe ni Bargan sa mga mamamayang may kinakaharap na pagsubok na huwag panghinaan ng loob sapagkat hindi ito pinababayaan ng Panginoon sa pamamagitan ng tulong ng mga institusyon ng Simbahang Katolika na kumakalinga sa kanilang pangangailangan.

Aniya, mahalagang matutuhang kumapit sa Diyos upang matamasa ang tagumpay at mga mithiin sa buhay.

Ang Vincentian Foundation ay kasalukuyang nakipagtulungan sa higit 5, 000 partners upang maghatid ng serbisyo sa mga komunidad na tinutulungan, kung saan 4, 000 ay katuwang sa Community Health and Well-being programs habang 1, 500 mga katuwang na pamilya para sa Social Justice and Integrity of Creation Program.

Ang Philantrophic Development Office, ay programang naglalayong makabubuo ng pangmatagalan, tuloy-tuloy at sistematikong mapagkukuhanan ng pondo para sa pagpapaunlad ng isang komunidad o institusyon.

Adhikain ng PDO sa pangunguna ng Spring Rain Global Consultancy Inc. na mag-organisa ng community-based fund raising program sa tulong ng mga individual donors, korporasyon, malalaking organisasyon at foundation na tulad ng Simbahang Katolika.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 17,505 total reads

 17,505 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 54,533 total reads

 54,533 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 280,803 total reads

 280,803 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 174,270 total reads

 174,270 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 267,367 total reads

 267,367 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top