OFWs, pinaalalahanan ng CBCP-ECMI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 450 total reads

Pinaalalahanan ng pinuno ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang mga Overseas Filipino Workers na iwasan ang pagdadala ng mga canned goods mula sa ibang bansa.

Ito ang tugon ni Balanga Bishop Ruperto Santos sa ipinag-uutos ng pamahalaan na pagbabawal sa produktong MaLing upang makaiwas sa kumakalat na African Swine Fever o uri ng virus na nakamamatay sa alagang baboy sa ilang bansa sa Asya.

“For safety and health reasons we inform our chaplains to persuade our OFWs not to send nor bring home any meat canned goods,” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Hinimok pa ni Bishop Santos ang mga OFW na magpadala lamang ng mga bagay na higit kinakailangan tulad ng mga gamit sa eskwela at mga damit sa halip na mga mamahaling gamit para sa luho at ugaliin ang pag-iimpok para sa kinabukasan.

“We also encourage them [OFW] to save as to send through balikbayan boxes only necessary and needed items,” dagdag pa ng Obispo.

Hinimok ni Bishop Santos ang mga OFW na upang makatipid sa pamimili ng mga pasalubong gawing pagkakataon ang sale season upang mapakinabangan ang mga diskwento sa mga produkto at magpadala lamang tuwing mahahalagang okasyon tulad ng Pasko, Graduation at tuwing magbubukas ang klase.

Magugunitang ipinag-utos ng Food and Drug Administration ang pagbabawal sa mga meat products mula ibang bansa na may manufactured date na August 18, 2018 dahil sa paglaganap ng ASF virus.

Batay sa taya, aabot sa halos 200 bilyong piso ang mawawala sa industriya ng pag-aalaga ng baboy kung tuluyang makapasok sa Pilipinas ang ASF Virus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 19,526 total reads

 19,526 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 56,429 total reads

 56,429 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 282,699 total reads

 282,699 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 176,166 total reads

 176,166 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 269,153 total reads

 269,153 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top