Mindanao Bishops, nakahanda ng mag-ulat kay Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 572 total reads

Puspusan na ang isinasagawang paghahanda ng mga Obispo ng Mindanao na kabilang sa ikatlong batch ng mga Obispo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na magtutungo sa Roma para sa Ad Limina Visit kay Pope Francis.

Aminado si Archdiocese of Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma na wala pang pangkabuuang mensahe ang Mindanao Bishops para sa Santo Papa ay iisa ang kanilang hangarin at panalangin para sa pagpapatuloy ng proseso ng kapayapaan sa Mindanao.

Paliwanag ni Archbishop Ledesma na siya ring Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Mutual Relations na mahalaga ang pagpapatuloy ng proseso sa pagkamit ng kapayapaan sa rehiyon lalo na sa pagsisimula ng Bangsamoro Autonomous Region sa Mindanao.

“Pag-uusapan pa namin yan but one common aspiration sa Mindanao yung pagpapatuloy ng proseso sa Kalinaw o Kapayapaan especially now with the Bangsamoro Autonomous Region also being launch here in Mindana”
pahayag ni Archbishop Ledesma.

Naunang inihayag ni Archbishop Ledesma na kabilang sa kanyang mga ninanais na ibahagi at iulat sa Santo Papa bilang Arsobispo ng Cagayan de Oro ay ang mga programa ng akridiyosesis partikular na sa usapin ng pagsusulong ng kapayapaan sa pagitan ng Kristiyano at Muslim at pagpapatatag ng pundasyon ng pamilya.

Batay sa tala, may mahigit sa 1.4-na milyon ang bilang ng mga mananampalatayang Katoliko sa Archdiocese of Cagayan de Oro na pawang tintawagan upang manindigan sa katotohanan at maging katuwang sa misyon ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng Panginoon.

Samantala, bukod sa mga Obispo mula sa Mindanao kabilang rin ang mga Obispo ng Archdiocese of Lipa sa ikatlong batch ng mga Obispong Filipino na makikibahagi sa nakatakdang Ad Limina visit kay Pope Francis na nakatakda sa ika-3 hanggang ika-7 ng Hunyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 9,781 total reads

 9,781 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 96,484 total reads

 96,484 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 133,857 total reads

 133,857 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 165,118 total reads

 165,118 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 237,462 total reads

 237,462 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 32,212 total reads

 32,212 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top