Modern Communications Technology, gamitin sa pagpapalaganap ng mabuting balita ng Panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 494 total reads

Ipinapaalala ng World Communications Sunday ang hamon sa bawat isa na maibahagi ang mabuting balita ng Panginoon sa pamamagitan ng iba’t- ibang pamamaraan ng pakikipagkomunikasyon.

Ito ang pagninilay ni Archdiocese of Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma sa paggunita ng 53rd World Communications Day kasabay ng Solemnity of the Ascension of the Lord.

Ipinaliwanag ni Archbishop Ledesma na siya ring chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Mutual Relations na nakasalalay sa pakikipag-komunikasyon ang ebanghelisasyon.

Sinabi ng Arsobispo na isang hamon sa bawat isa partikular na sa mga Kristyano’t Katoliko na magamit ang modernong teknolohiya at paraan ng pakikipagkomunikasyon sa pagpapalaganap ng mabuting balita ng Diyos.

Tinukoy ni Archbishop Ledesma na ang pag-unlad sa paraan ng pakikipagkomunikasyon tulad ng social media at mass media ay isang magandang oportunidad upang maging instrumento sa pagbabahagi ng habag, awa at pagmamahal ng Panginoon sa mas nakararami.

“On World Communications Sunday we are reminded that the word of evangelization is spread through communication and with the modern means of communication we challenge ourselves and our fellow Christians to be able to share the good news of God’s mercy and love for all of us through this modern means of social communication, may mass media and the communications technology that we now have be a vehicle for the new evangelization”.pahayag ni Archbishop Ledesma

Naunang nanawagan ang Kanyang Kabanalan Francisco na pagnilayan ng bawat isa ang paraan ng paggamit sa modernong teknolohiya tulad ng Internet sa pakikipagkomunikasyon at pagbubuo ng mas maayos na relasyon sa kapwa at sa komunidad.

Layunin ng temang napili ni Pope Francis para sa 53rd World Communications Day na “We are members one of another (Eph 4,25). From network community to human communities” na mabigyang halaga ang pagkakaroon ng maayos na komunikasyon sa pagpapatatag ng relasyon ng bawat isa.

Bukod dito, bahagi rin ng mensahe ni Pope Francis para sa 53rd World Communications Day ay ang paghubog sa paggamit ng mga modernong teknolohiya at social media sa pagpapalaganap ng ebanghelyo.

Sinasabi sa Digital 2018 report ng London, United Kingdom-based consultancy na We Are Social, nangunguna pa rin ang Pilipinas sa social media usage sa buong mundo.

Umaabot sa 9 na oras at 29 na minuto kada araw ang ginugugol ng nasa 67-milyong internet users sa bansa na malaking porsyento ay may social media accounts.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 24,629 total reads

 24,629 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 61,124 total reads

 61,124 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 287,394 total reads

 287,394 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 180,861 total reads

 180,861 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 273,588 total reads

 273,588 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top