Tunay na kalinga, dasal ng mga guro mula sa DepEd

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 525 total reads

Isinusulong sa panlipunang katuruan ng Simbahang Katolika na kasabay ng pagpapatatag sa sistema ng edukasyon sa bansa ay ang pagkalinga sa kapakanan ng mga guro na nagsisilbing pangalawang magulang na walang sawang nagbabahagi ng mga kaalaman at humuhubog sa pagkatao ng mga kabataan na kinabukasan ng bansa.

Ang mala-inang pagkalinga mula sa kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon ang inaasam ng Teachers Dignity Coalition.

Ayon kay TDC National Chairperson Benjo Basas, bilang pinuno ng kagawaran ay umaasa ang mga guro sa buong bansa ng suporta, pag-unawa at pagkalinga mula kay DepEd Secretary Leonor Briones.

Sinabi ni Basas na dismayado ang mga guro sa kawalan ng malasakit at suporta ni Briones sa kanilang apelang umento sa sahod na unang ipinangako ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“Bilang aming ina sa Kagawaran, inaasahan sana namin ang lubos na pagkalinga, pang-unawa at suporta mula kay Sec. Liling Briones. Subalit sa mga nakalipas niyang pahayag ay hindi kami makaramdam ng malasakit at suporta at tila siya pa ang nakakapigil upang maibigay ang matagal na naming hinihinging umento sa sahod na ipinangako rin naman ng pangulong Duterte.” pahayag ni Basas Nilinaw rin ni Basas na handang makipagdayalogo ang hanay ng mga guro sa pamunuan ng kagawaran at maging kay Pangulong Duterte upang maihayag ang kanilang mga hinaing, apela at pangangailangan.

“Nakahanda kaming maupo sa isang dayalogo sa kanya o sa Pangulo mismo upang ilinaw ang mga usaping ito. But we ask her to refrain from making statements that in one way or another would insult and hurt our teachers. As her subordinates, we expect a motherly compassion.” Dagdag pa ni Basas.

Nilinaw ni Basas na matagal ng mahaba ang “pisi” at nagtitiis ang mga guro.

Sa tala ng Philippine Basic Education, may halos isang milyon ang kabuuang bilang ng mga pampublikong guro na nagtuturo sa elementarya at sekondarya sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 23,135 total reads

 23,135 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 59,702 total reads

 59,702 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 285,972 total reads

 285,972 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 179,439 total reads

 179,439 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 272,246 total reads

 272,246 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top