Kakulangan ng tubig sa Metro Manila: Wawa Dam rehabilitation, iminungkahi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 808 total views

Iminungkahi ng Ecology Ministy ng Archdiocese of Manila ang rehabilitasyon ng Wawa dam kaugnay na rin sa lumalalang problema sa suplay ng tubig sa Metro Manila.

Ayon kay Lou Arsenio, matagal na panahong umasa ang mga taga-Metro Manila sa Wawa dam na matatagpuan sa lalawigan ng Rizal na ipinasara dahil sa polusyon.

“Sinasabi na namin na bakit hindi i-restore at irehabilitate ang Wawa Dam. Wawa dam ito ang orihinal na pinagkukunan ng tubig ng Metro Manila since the time of the Americans. Dinekomisyon nila yun ang rason polluted,” ayon kay Arsenio.

Ayon kay Arsenio ay maari itong muling ipasaayos sa halip na magtayo ng panibagong dam na makakaapekto naman sa katutubo at kalikasan lalu na ang Kaliwa dam sa Sierra Madre.

Una ng nagpahayag ng pagtutol si Infanta Bishop Bernardito Cortez sa panulang pagtatayo ng Kaliwa dam dahil sa panganib nito sa kalikasan lalu na sa mga naninirahan doon kabilang na ang mga katutubo.

Mungkahi din ni Arsenio sa mga residente sa Metro Manila na maging responsable paggamit ng tubig.

“Tayo as individual citizen paano ba tayo gumagamit ng tubig,” giit ni Arsenio.

Ayon kay Arsenio, kabi-kabila na rin sa ngayon ang mga laundry shop na higit pang nagpapalaki sa demand ng tubig lalu’t ito’y nangangailangan ng maraming tubig para sa laundy operation.

“Marami masyadong demand ng tubig, at hindi rin talaga nagtitipid ang mga residente. Ikalawa, maraming wastage ng tubig at ang sobrang paggamit ng washing machine,” ayon kay Arsenio.

Ang Pilipinas ay may labing pitong dam na pinagkukunan ng tubig kung saan nakatakda ding ipatayo ang Kaliwa dam sa Infanta Quezon para magsupply ng tubig sa Metro Manila.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 225,398 total views

 225,398 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 255,621 total views

 255,621 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 282,265 total views

 282,265 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 377,238 total views

 377,238 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 383,699 total views

 383,699 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top