Selebrasyon ng ika-500 daang anibersaryo ng Katolisismo sa Pilipinas, isang pasasalamat

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 622 total reads

Inihayag ng pinuno ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity na mahalaga ang paggunita sa ikalimang daang anibersaryo ng Katolisismo sa Pilipinas.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, ginugunita dito ang pagyakap ng mga Filipino sa pananampalatayang Katoliko na patuloy na pinalalago sa kasalukuyan.

“Sine-celebrate natin ang pagdating ng pananampalataya hindi ang pagdating ng kolonyalismo,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Pastoral Visit sa programang Barangay Simbayanan.

Paliwanag ng Obispo, ito ay pagbibigay linaw na rin sa pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na hindi mahalaga ang naturang pagdiriwang sa halip ay alalahanin nito ang panlulupig, pananakop at pagpaslang ng mga dayuhan sa mga Filipinong nakipaglaban sa bayan.

Iginiit ni Bishop Pabillo na magkaiba ang kolonyalismo at pagdating ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

Ayon sa Obispo, ito’y nauunawaan ng mga Filipino sapagkat higit isang sentenaryo na ang lumipas ng lumaya ang Pilipinas sa pananakop subalit patuloy na niyakap ng mamamayan ang pananampalatayang Kristiyano.

Binigyang diin pa ng Obispo na ang pagdiriwang ay pasasalamat sa Panginoon sa biyaya ng pananampalataya na higit pinagyayaman ng kasalukuyang henerasyon.

“Mag effort tayo na magdasal na itong celebration natin [500 Years of Chritianity] ay makapakinabang ang marami dahil ang layunin ng ating pagdiriwang is to thank the Lord to appreciate the gift kaya appreciate natin ang pananampalataya ang pagiging Kristiyano at pagiging Katoliko,” dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Hinahamon ni Bishop Pabillo ang mananampalataya na mas maging tapat sa pananampalataya at palawakin ito sa pamamagitan ng pagbabahagi sa kapwa bilang pakikiisa sa misyon ni Hesus na maipalaganap ang Mabuting Balita sa bawat tao.

Taong 2021 ipagdiriwang ng Pilipinas ang 500 anibersaryo ng Kritiyanismo kung saan 2013 sinimulan ang paghahanda sa pamamagitan ng mga programang magpapayabong sa pananampalataya at ngayong taon ay inilaan sa ‘Year of the Youth’.

“Remember its thanksgiving, appreciation at challenge,” saad pa ni Bishop Pabillo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 6,104 total reads

 6,104 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 45,694 total reads

 45,694 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 81,083 total reads

 81,083 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 307,352 total reads

 307,352 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 200,402 total reads

 200,402 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top