Ipahayag si Hesus, hamon ni Cardinal Tagle sa mga kabataan at guro

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 616 total reads

Ito ang hamon ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga kabataan sa isinagawang Holy Spirit Mass ng Roman Catholic Archdiocese of Manila Educational System, sa Manila Cathedral noong ika-19 ng Hunyo.

Inihayag ni Cardinal Tagle na ang mga kabataan ay mahusay sa larangan ng komunikasyon dahil sa kakayahan nitong sabayan ang iba’t-ibang nauuso sa social media.

Dahil dito, sinabi ng Kardinal na malaking kapakinabangan kung magagamit ito ng mga kabataan upang ipalaganap ang mga turo ni Hesus.

Naniniwala din ito na magagawa ng mga mag-aaral ang misyong ito sa tulong at paggabay ng Espiritu Santo na isinugo ng Panginoon.

“Pakiusap sa mga kabataan, kayo ang sanay na sanay sa communication, iba’t-ibang lengguwahe ang gamit n’yo… pero sana dahil hinihingi natin ang Espiritu Santo, ang maging lengguwahe, wika, salita ng mga kabataan, ay tungkol kay Hesus. Huwag kayong mahihiya na ipahayag si Hesus.” pahayag ni Cardinal Tagle.

Dagdag pa ng Kardinal, ang Espiritu Santo ay nananahan sa bawat isa upang ang mamutawi sa bibig ng mga mananampalataya ay katotohanan at masupil na ang paglaganap ng fake news.

Nilinaw nito na hindi nagmumula sa Espiritu Santo ang mga bulgar, mapanakit at mapanlait na mga salita.

Umaasa din si Cardinal Tagle na matigil na ang pangmamaliit at pang-aapi ng kapwa dahil ang bullying ay hindi gawa ng Espiritu Santo.

“Ang Espiritu Santo pinagsasalita tayo hindi para mag-chismis, hindi para manira, hindi para maging bulgar, hindi para mangmaliit ng kapwa, hindi para magpahayag ng fake news, hindi para mam-bully, hindi yan gawa ng Espiritu Santo.” Dagdag pa ng Kardinal.

Samantala, nanawagan din si Cardinal Tagle sa mga guro na nawa sa anumang asignatura na kanilang ituturo ay laging maakay nito ang mga mag-aaral patungo kay Hesus.

Hinamon nito ang mga guro na ituro sa mga kabataan ang tamang paggamit ng wika at ang pagiging totoo sa bawat binibitawang salita na nakaugat din sa katotohanang nagmumula sa Panginoon.

“Para sa mga teachers, anu man ang subject matter, make sure that what you are teaching are ideas, concepts, that leads the students to God, to Jesus. Ituro natin ang tamang paggamit ng wika at lalo na maging totoo sa salita. Kapag sinabi moa ng isang bagay, pangatawanan mo at siguruhin mong nakabatay sa katotohanan.” Pahayag ni Cardinal Tagle.

Inaanyayahan ng Kardinal ang mga estudyante at guro na panatilihin ang pagiging moral at disente sa kabila ng pagsabay sa mga uso.

Isinasagawa ang Holy Spirit Mass sa pagsisimula ng bagong taon ng pag-aaral upang hingin ang tulong at gabay ng Espiritu Santo sa buong taon ng pag-aaral ng mga bata at pagtuturo ng mga guro.

Sa tala, ang RCAM-ES ay mayroong tinatayang 28 kasaping mga Catholic Schools mula sa Maynila, Mandaluyong, Makati at San Juan City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 6,090 total reads

 6,090 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 45,680 total reads

 45,680 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 81,069 total reads

 81,069 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 307,338 total reads

 307,338 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 200,390 total reads

 200,390 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 35,374 total reads

 35,374 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 28,267 total reads

 28,267 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top