Arsobispo, naalarma sa tumataas na kaso ng suicide

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 527 total views

Naaalarma ang isang Arsobispo sa patuloy na pagdami ng kaso ng suicide o mga taong pinipiling wakasan ang kanilang buhay.

Naglabas ng Pastoral Statement on Suicide si Archbishop Jose Advincula ng Archdiocese of Capiz upang hikayatin ang mga mananampalataya at ang buong lipunan na magtulong-tulong upang mapigilan ito.

Ayon sa Arsobispo, kinakailangang malaman ng mamamayan na ang mga taong pinipiling wakasan ang kanilang buhay ay may mga mabibigat na suliranin.

Inihayag ng Arsobispo na maaaring ito ay dahil sa kakulangan ng suporta ng pamilya, mga kaibigan, o di kaya ay nakararanas ng bullying o pangmamaliit ng kapwa, at iba pang mga problema sa kanilang relasyon.

“It is not right to play gods and to judge these persons who died by suicide. What we can do is to pray and entrust them the mercy and love of God.” Bahagi ng liham pastoral ni Abp. Advincula.

Iginiit ni Archbishop Advincula na napakahalaga ang suportang manggagaling sa pamilya, paaralan, pamahalaan at sa simbahan para sa nakakaranas ng depresyon.

Hinikayat nito ang mga magulang at iba pang miyembro ng pamilya na maging malapit sa isa’t-isa at kumustahin ang kanilang kasama.

Sinabi ng Arsobispo na makabubuti ang madalas na pakikinig at pakikipagkwentuhan upang matukoy kung mayroong pinagdaraanan ang isang miyembro sa pamilya.

Kaugnay nito, hinamon ni Archbishop Advincula ang mga nangangasiwa sa mga paaralan na supilin ang “culture of bullying” o ang pangungutya at pangmamaliit ng kapwa.

Aminado ang Arsobispo na magiging mas epektibo ito kung tutulong ang pamahalaan at simbahan sa pagkakaroon ng mga suicide prevention programs.

Tiniyak naman ng Arsobispo na laging nakahanda ang simbahan upang magbigay ng moral at ispiritual na suporta sa mga taong dumaraan sa pagsubok at nakararanas ng depresyon.

Hinimok nito ang mga may suliranin sa buhay na huwag mahiyang makipag-usap sa mga pari, o sa sinumang kanilang pinagkakatiwalaan upang hingin ang payo sa kanilang pinagdaraanan.

“As church, we are called to cultivate the culture of presence. Being present with anyone, letting them feel that we are with the especially when they are burdened would matter so much.” Dagdag pa ng Arsobispo.

Ayon sa World Health Organization, umaabot sa 800-libo ang mga taong nagpapatiwakal taun-taon.

Katumbas ito ng isang taong nagpapakamatay kada 40 segundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 226,406 total views

 226,406 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 256,629 total views

 256,629 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 283,273 total views

 283,273 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 378,246 total views

 378,246 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 384,657 total views

 384,657 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 347,117 total views

 347,117 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top