Pagpapatupad ng katarungang panlipunan, hiling ni Cardinal Quevedo sa mga opisyal ng gobyerno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 614 total reads

Nagpahayag ng pakikibahagi si Cotabato Archbishop Emeritus Orlando Cardinal Quevedo, OMI sa prayer intention ng Kanyang Kabanalan Francisco para sa buwan Hulyo ngayong taon.

Ayon kay Cardinal Quevedo, isa ang Pilipinas sa lubos na nangangailangan ng mga lider na may buong katapatan at pagmamahal sa mamamayan na naghahangad ng pantay at pangkalahatang katarungan sa lipunan.

Paliwanag ni Cardinal Quevedo na siya ring Chairperson ng CBCP – Episcopal Commission on Doctrine of the Faith, mahalaga ang pagiging matapat at personal na pagnanais ng mga opisyal na maipatupad ang katarungang panlipunan.

Tinukoy ng Kardinal ang kasalukuyang sitwasyon sa Pilipinas kung saan patuloy na nagaganap na ang karahasan at pagsasantabi sa mga batas na dapat pangunahing umiiral sa bayan.

Pinuna din Cardinal Quevedo ang kalagayan ng mga bilanggo na nagsisiksikan na sa mga bilangguan sa buong bansa dahil na rin sa mabagal na pag-usad ng paglilitis sa hukuman.

“Our country needs people with integrity to govern us, people of justice who not only kill because of suspicions, our country needs justice for those who are in prison or condemned to die without due process of law lingering in prisons for a long long time. So we need to think of them for the intention of the Holy Father as well as for integrity in our land and justice in our land”. pahayag ni Cardinal Quevedo.

Kaugnay nito, inilaan ng Kanyang Kabanalan Francisco sa pagkakaroon ng pangkalahatang katarungan ang kanyang prayer intention ngayong buwan ng Hulyo.

Bahagi ng prayer intention ni Pope Francis ang kahalagahan ng pagiging matapat ng mga opisyal tulad ng mga hukom, mahistrado at iba pang mga nasa katungkulan kung saan nakasalalay ang pagkakaroon ng katarungang panlipunan.

Umaasa rin ang Santo Papa na hindi magtagumpay ang anumang uri ng kawalang katarungan sa lipunan kung saan dapat na mamayani ang patas na karapatan at hustisya para sa lahat.

Bukod dito, bahagi rin ng panalangin ni Pope Francis ay ang magsilbing daluyan ng Mabuting Balita ng Diyos ang bawat isa sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan at pagkikipagkuminikasyon ng puno ng pag-ibig para sa kapwa.

Samantala patuloy rin ang panawagan ng Simbahang Katolika sa mahigit 104 milyong mga Filipino na na mayorya ay mga Katoliko na pagsumikapang mamuhay sa katotohanan at gamiting gabay ang salita ng Diyos sa pagsusulong ng makabubuti para sa bayan.

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 1,040 total reads

 1,040 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 32,099 total reads

 32,099 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 116,995 total reads

 116,995 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 154,368 total reads

 154,368 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 185,627 total reads

 185,627 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 257,096 total reads

 257,096 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 33,849 total reads

 33,849 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top