Pagpapatupad ng katarungang panlipunan, hiling ni Cardinal Quevedo sa mga opisyal ng gobyerno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 699 total reads

Nagpahayag ng pakikibahagi si Cotabato Archbishop Emeritus Orlando Cardinal Quevedo, OMI sa prayer intention ng Kanyang Kabanalan Francisco para sa buwan Hulyo ngayong taon.

Ayon kay Cardinal Quevedo, isa ang Pilipinas sa lubos na nangangailangan ng mga lider na may buong katapatan at pagmamahal sa mamamayan na naghahangad ng pantay at pangkalahatang katarungan sa lipunan.

Paliwanag ni Cardinal Quevedo na siya ring Chairperson ng CBCP – Episcopal Commission on Doctrine of the Faith, mahalaga ang pagiging matapat at personal na pagnanais ng mga opisyal na maipatupad ang katarungang panlipunan.

Tinukoy ng Kardinal ang kasalukuyang sitwasyon sa Pilipinas kung saan patuloy na nagaganap na ang karahasan at pagsasantabi sa mga batas na dapat pangunahing umiiral sa bayan.

Pinuna din Cardinal Quevedo ang kalagayan ng mga bilanggo na nagsisiksikan na sa mga bilangguan sa buong bansa dahil na rin sa mabagal na pag-usad ng paglilitis sa hukuman.

“Our country needs people with integrity to govern us, people of justice who not only kill because of suspicions, our country needs justice for those who are in prison or condemned to die without due process of law lingering in prisons for a long long time. So we need to think of them for the intention of the Holy Father as well as for integrity in our land and justice in our land”. pahayag ni Cardinal Quevedo.

Kaugnay nito, inilaan ng Kanyang Kabanalan Francisco sa pagkakaroon ng pangkalahatang katarungan ang kanyang prayer intention ngayong buwan ng Hulyo.

Bahagi ng prayer intention ni Pope Francis ang kahalagahan ng pagiging matapat ng mga opisyal tulad ng mga hukom, mahistrado at iba pang mga nasa katungkulan kung saan nakasalalay ang pagkakaroon ng katarungang panlipunan.

Umaasa rin ang Santo Papa na hindi magtagumpay ang anumang uri ng kawalang katarungan sa lipunan kung saan dapat na mamayani ang patas na karapatan at hustisya para sa lahat.

Bukod dito, bahagi rin ng panalangin ni Pope Francis ay ang magsilbing daluyan ng Mabuting Balita ng Diyos ang bawat isa sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan at pagkikipagkuminikasyon ng puno ng pag-ibig para sa kapwa.

Samantala patuloy rin ang panawagan ng Simbahang Katolika sa mahigit 104 milyong mga Filipino na na mayorya ay mga Katoliko na pagsumikapang mamuhay sa katotohanan at gamiting gabay ang salita ng Diyos sa pagsusulong ng makabubuti para sa bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 18,240 total reads

 18,240 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 57,298 total reads

 57,298 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 92,598 total reads

 92,598 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 318,867 total reads

 318,867 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 211,150 total reads

 211,150 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top