Camillians, palalawakin ang medical mission sa mahihirap

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 705 total reads

Matagumpay na nagsagawa ng medical mission ang iba’t-ibang medical groups sa ilalim ng pangangasiwa ng Camillians noong ikalima hanggang ikapito ng Hulyo.

Ito ay pagpapatuloy ng grupo sa sinimulan ni St. Camillus na pangangalaga sa mga may sakit, lalong-lalo na ang mga mahihirap.

Umabot sa 1,193 mga pasyente ang natulungan ng grupo sa mga lugar ng San Jose, Calawis, at Boso-Boso sa Rizal.

Kabilang sa mga serbisyong inihatid sa mga mamamayan ay medical, dental, surgical at laboratory.

Mahigit sa 100 mga volunteers ang nagsama-sama upang maisakatuparan ang naturang medical mission at umabot sa P220,000 ang halaga ng mga naipamahaging gamot.

Ang Camillian Medical Mission ay binuo ng St. Mary’s Hospital sa Taiwan, ospital na nasa ilalim ng pangangasiwa ng mga Camillian, St. Camillus Medical Center, Nuestra Señora dela Annunciata Parish at Camillian Philanthropic and Health Development Office.

Nagpapasalamat din ang grupo sa lahat ng mga tumulong at nagbigay ng pinansyal na suporta sa Medical Mission.

Tiniyak nito na muling magkakaroon ng Camillian Medical Mission sa iba pang bahagi ng bansa upang abutin ang mga mahihirap.

Ayon sa World Health Organization, tinatayang 30-porsyento lamang ng kabuuang populasyon ng Pilipinas ang nakakukuha ng maayos na medikal na atensyon habang ang 70-porsyento ay napagkakaitan ng kanilang medikal na pangangailangan dahil sa kahirapan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 132,681 total reads

 132,681 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 269,312 total reads

 269,312 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 385,087 total reads

 385,087 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 500,065 total reads

 500,065 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 47,459 total reads

 47,459 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 76,993 total reads

 76,993 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 69,837 total reads

 69,837 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top