College graduates, hinamon ni Cardinal Tagle na maging misyonero ni Kristo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 717 total reads

Hinamon ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga mag-aaral na magsisipagtapos na maging misyonero ni Kristo.

Ito ay inihayag ng Kardinal sa Baccalaureatte Mass ng Lyceum University of the Philippines na ginanap sa Manila Cathedral.

Sinabi ni Cardinal Tagle na ang bawat pagtatapos ay hudyat ng pagsisimula ng panibagong yugto sa buhay at mahalagang magamit ng mga mag-aaral ang lahat ng kanilang natutunan, sa pagpapatuloy ng misyon ni Kristo.

Inihayag ng Kardinal na ang edukasyon ay hindi dapat ginagamit upang kumita ng salapi, dahil ang pagpapakadalubhasa ng mga mag-aaral sa iba’t-ibang kurso ay may malaking maitutulong sa misyon ng pagpapalaganap ng mabuting balita.

“The gift of tertiary education is for a mission. Ang edukasyon hindi lamang para kumite ng limpak-limpak at kahit na ano pa ang gawin para lang kumite, hindi. Ang edukasyon ay para sa misyon at naniniwala tayo na bawat isa sa inyo ay apostol ni Hesus na isinusugo niya.” pahayag ni Cardinal Tagle.

Dagdag pa nito, sa pagiging misyonerong kristiyano ay masusumpungan ng tao ang tunay na kahulugan ng kan’yang buhay.

Sinabi ng Kardinal na ang kahulugan ng buhay ay nakabatay sa kung sino ang pinag-aalayan nito, at kapag walang pinag-aalayan ng buhay ay wala itong saysay at maaaring itapon lamang.

Umaasa ang Kardinal sa pamamagitan ng edukasyon at paghuhubog na pinagdaanan ng mga mag-aaral ay matatagpuan nito ang kahulugan ng kanilang buhay at ang pag-aalay nito sa paglilingkod sa Panginoon.

“Ang kahulugan ng buhay ay ang pinag-aalayan. Ang buhay, binigay sa atin para ialay, kapag wala kang makabuluhang pinag-aalayan ng buhay, patay ka na. and we hope that your education and formation have prepared you to know yourself better and see yourself where God put you.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 130,206 total reads

 130,206 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 266,971 total reads

 266,971 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 382,746 total reads

 382,746 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 497,814 total reads

 497,814 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 47,415 total reads

 47,415 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 76,950 total reads

 76,950 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 69,794 total reads

 69,794 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top