Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagsangyaw 2021, pinag-igting ng Archdiocese of Cebu

SHARE THE TRUTH

 339 total views

Binigyang diin ni Cebu Archbishop Jose Palma na ang mga Kristiyano ay nabibilang sa iisang katawan; ang Katawan ni Kristo.

Ito ang sentro sa pagninilay ng Arsobispo sa ikalawang season ng ‘Pagsangyaw 2021’ isang katesismo na pinasimulan ng Arkidiyosesis para higit na mapalalim ang kamalayan ng mananampalataya sa pananampalatayang Katoliko at bilang paghahanda sa ikalimang sentenaryo ng Kristiyanismo sa 2021.

“Tayong lahat, one body, ibig sabihin mayroon tayong relasyon, may pakialam at may responsibilidad sa kapwa sapagkat tayo ay kabilang sa Katawan ni Kristo,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Palma.

Ipinaliwanag ni Archbishop Palma na ang katawan ni Kristo na tinatanggap sa Banal na Misa ay nagbibigay lakas at buhay sa bawat mananampalataya sapagkat ditto dumadaloy ang biyayang ipinagkaloob ng Panginoon para sa sangkatauhan na bahagi ng katawan ni Kristo.

Sinabi ng Arsobispo na sa dakilang pag-ibig ng Diyos sa tao ay inialay nito ang Kanyang bugtong na Anak upang maging pagkaing espiritwal at nagtubos sa tao mula sa mga kasalanan.

Ang ‘Pagsangyaw 2021’ ay programa ng Arkidiyosesis ng Cebu na inilunsad noong Marso sa pangunguna ng Archdiocesan Commission on the Laity na pinamumunuan ni Fe Barino.

Layon nitong paigtingin at palakasin ang katesismo gamit ang media tulad ng radyo, diyaryo at telebisyon at ang makabagong teknolohiya tulad ng internet upang maabot ang mga mananampalataya at ganap na maging handa sa pagdiriwang ng 500 taon ng Katolisismo sa Pilipinas.

Ang mga video materials sa ‘Pagsangyaw 2021’ ay ipinamamahagi sa mga parokya upang magsilbing gabay sa mga mananampalataya at sa mga eskwelahan para mabuksan ang kamalayan ng mga kabataan sa pananampalatayang Katoliko at higit maunawaan ang mga katuruan ng Simbahan.

Hinimok pa ni Barino ang iba pang mga Diyosesis na gumawa ng mga hakbang na makatulong sa mga lingkod ng Simbahan sa pagbabahagi ng mga turo ng Panginoon.

Magugunitang 2013 nang inilunsad ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang siyam na taong paghahanda para sa pagdiriwang ng pananampalatayang Katoliko kung saan bawat taon ay may temang ibinibigay upang mabigyang pansin ang mga programa ng Simbahang Katolika.

Ngayong taon ay nakasentro sa mga Kabataan ang mga pagtitipon ng Simbahan sa Pilipinas upang hubugin tungo sa paglilingkod sa Diyos at sa kapwa at itinuturing na kasalukuyan at kinabukasan ng Simbahan at lipunan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 8,854 total views

 8,854 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 24,943 total views

 24,943 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 62,715 total views

 62,715 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 73,666 total views

 73,666 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 18,551 total views

 18,551 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top