College graduates, hinamon ni Cardinal Tagle na maging misyonero ni Kristo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 446 total views

Hinamon ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga mag-aaral na magsisipagtapos na maging misyonero ni Kristo.

Ito ay inihayag ng Kardinal sa Baccalaureatte Mass ng Lyceum University of the Philippines na ginanap sa Manila Cathedral.

Sinabi ni Cardinal Tagle na ang bawat pagtatapos ay hudyat ng pagsisimula ng panibagong yugto sa buhay at mahalagang magamit ng mga mag-aaral ang lahat ng kanilang natutunan, sa pagpapatuloy ng misyon ni Kristo.

Inihayag ng Kardinal na ang edukasyon ay hindi dapat ginagamit upang kumita ng salapi, dahil ang pagpapakadalubhasa ng mga mag-aaral sa iba’t-ibang kurso ay may malaking maitutulong sa misyon ng pagpapalaganap ng mabuting balita.

“The gift of tertiary education is for a mission. Ang edukasyon hindi lamang para kumite ng limpak-limpak at kahit na ano pa ang gawin para lang kumite, hindi. Ang edukasyon ay para sa misyon at naniniwala tayo na bawat isa sa inyo ay apostol ni Hesus na isinusugo niya.” pahayag ni Cardinal Tagle.

Dagdag pa nito, sa pagiging misyonerong kristiyano ay masusumpungan ng tao ang tunay na kahulugan ng kan’yang buhay.

Sinabi ng Kardinal na ang kahulugan ng buhay ay nakabatay sa kung sino ang pinag-aalayan nito, at kapag walang pinag-aalayan ng buhay ay wala itong saysay at maaaring itapon lamang.

Umaasa ang Kardinal sa pamamagitan ng edukasyon at paghuhubog na pinagdaanan ng mga mag-aaral ay matatagpuan nito ang kahulugan ng kanilang buhay at ang pag-aalay nito sa paglilingkod sa Panginoon.

“Ang kahulugan ng buhay ay ang pinag-aalayan. Ang buhay, binigay sa atin para ialay, kapag wala kang makabuluhang pinag-aalayan ng buhay, patay ka na. and we hope that your education and formation have prepared you to know yourself better and see yourself where God put you.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 221,754 total views

 221,754 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 251,977 total views

 251,977 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 278,621 total views

 278,621 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 373,594 total views

 373,594 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 380,258 total views

 380,258 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 346,994 total views

 346,994 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top