Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagbabawal sa paggamit ng single-use plastic, panawagan ni Bishop Uy

SHARE THE TRUTH

 297 total views

Nananawagan si Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa mga mananampalataya ng lalawigan at mga pari na iwasan ang paggamit ng single-use plastic.

Sa pahayag ni Bishop Uy mahalagang magkaisa ang mamamayan sa pangangalaga sa kalikasan tulad ng pag-iwas sa paggamit ng mga plastic lalu na sa mga pagtitipon ng simbahan.

“To all priests and parishioners, as much as possible, please avoid the use of styros and plastics in any of our gatherings and activities,” panawagan ni Bishop Uy.

Si Bishop Uy ay masigasig sa kampanya laban sa plastic bilang pakikiisa sa panawagan ng Santo Papa Francisco sa ensiklikal na Laudato Si -na pangalagaan ang kapaligiran na natatanging tahanan ng sangnilikha.

Sa pag-aaral ng Global Alliance for Incinerator Alternatives (GAIA), halos 60 bilyong sachet ng plastic ang nalilikha sa Pilipinas bawat taon.

Kabilang dito ang 48 milyong shopping bags ang ginagamit ng mga Filipino araw-araw bukod pa rito ang 17 bilyong iba’t ibang uri ng produkto na gawa sa plastic.

Naniniwala ang simbahang katolika na kung magkakaisa ang mamamayan sa pagtataguyod ng maayos na kapaligiran ay makamtan ang malinis at ligtas na kalusugan ng lipunan na malayo sa polusyon at nakalalasong kemikal dulot ng plastic.

Ang pag-aaral ay batay sa 21 waste assessment na isinagawa ng grupo sa anim na lungsod at pitong bayan sa Pilipinas.

Ika–14 ng Mayo, pinangunahan nina Bishop Uy at Talibon Bishop Daniel Patrick Parcon ang pagtatanggal ng mga tarpaulin at iba pang campaign materials ng mga pulitiko matapos ang halalan bilang pagpapakita ng pagmamalasakit para sa kalikasan at maiwasang mapunta sa karagatan ang mga plastic waste na nalikha mula sa campaign materials.

Kaisa rin si Bishop Uy sa panawagan ng Plastic Free Bohol Movement sa isasagawang Plastic Free July Beach Cleanup na isasagawa sa karagatan ng Panglao Bohol sa ika-13 ng Hulyo sa Barangay Poblacion; ika – 20 ng Hulyo sa Danao Beach at ika-27 ng Hulyo sa Doljo Beach.

Ito ay isasagawa simula alas-7:30 ng umaga sa pakikipagtulungan ng Korean University Council for Social Services.

Hinimok ng grupo ang mga lalahok sa cleanup drive na magdala ng sako na paglalagyan ng mga basura.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 8,852 total views

 8,852 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 14,825 total views

 14,825 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 20,580 total views

 20,580 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 27,843 total views

 27,843 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 35,827 total views

 35,827 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Norman Dequia

Nakiisa sa environmental forum, pinasalamatan ni Bishop Uy

 31,762 total views

 31,762 total views Pinasalamatan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang lahat ng sektor na nakiisa sa ikalawang environmental forum na ginanap sa Holy Name University sa Tagbilaran City. Ikinatuwa ng obispo ang pakiklahok ng mga sektor ng pamayanan lalo na ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng lalawigan lalo’t tema ng pagtitipon ang ‘Bridging the

Read More »
Environment
Norman Dequia

Emergency Operation Center, binuksan ng Caritas Philippines

 14,054 total views

 14,054 total views Patuloy ang pagbabantay at pakikipag-ugnayan ng humanitarian, development, at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa mga lubhang apektado ng low pressure area sa Mindanao. Inilunsad ng Humanitarian Office ng Caritas Philippines ang kanilang Emergency Operational Center upang agarang matukoy ang sitwasyon sa mga apektadong diyosesis at matugunan ang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Proteksyon sa coastal areas at marine resources, panawagan ni Senator Villar

 3,547 total views

 3,547 total views Inihayag ni Senator Cynthia Villar na dapat paigtingin ng mamamayan ang pangangalaga at proteksyon sa coastal areas at marine resources sa bansa. Sinabi ng mambabatas na chairperson ng Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change, na mahalagang mabigyang proteksyon ang karagatan at wetlands lalo’t isang archipelago ang Pilipinas na pinanahanan ng iba’t

Read More »
Environment
Norman Dequia

Climate mapping, panawagan ng grupo ng mga magsasaka sa pamahalaan

 4,836 total views

 4,836 total views Umaasa ang grupo ng magsasaka na magkaroon ang Pilipinas ng wastong weather o climate mapping para makatulong sa mga manggagawang bukid. Ayon kay Federation of Free Farmers Chairperson Leonardo Montemayor ito ang dapat pagtuunan ng pamahalaan upang matulungan ang mga magsasaka sa pagdesisyon ng mga itatanim sang-ayon sa panahon. Ito ang tugon ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Seasons of Creation: Ipagmalaki ang lahing Katutubo!

 2,083 total views

 2,083 total views Hinimok ng dating obispo ng Diocese of Novaliches ang mamamayan na lingapin at pahalagahan ang mga katutubo sa bansa. Ayon kay Bishop Antonio Tobias malaki ang tungkuling ginagampanan ng mga katutubo lalo na sa pangangalaga ng kalikasan. Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng Indigenous Peoples’ Sunday nitong October 9, ang huling

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Kalikasan at halalan.

 1,796 total views

 1,796 total views Ito ang pangunahing paksa na tinalakay sa dalawang araw na pagpupulong ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines. Ayon kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David napagkasunduan ng mga obispo sa bansa ang maigting na pagpapatupad sa ensiklikal ni Pope Francis na Laudato Si upang matugunan ang lumalalang suliranin sa kalikasan. Binigyang-diin

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Menor de-edad, pinayagan ng pumasok sa Basilica Minore del Santo Nino de Cebu

 1,853 total views

 1,853 total views Pahihintulutan na ng Basilica Minore Del Santo Nino De Cebu ang mga batang menor de edad na makapasok sa simbahan. Ito ang anunsyo ng basilica kasabay ng pagluwag ng quarantine restrictions at pagbaba sa low risk status ng COVID-19 sa bansa ayon sa Department of Health. Sa pahayag ng basilica ng Santo Nino

Read More »
Disaster News
Norman Dequia

Bangon Batanes online concert, ilulunsad ng Prelatura ng Batanes

 2,692 total views

 2,692 total views Nanawagan ang Prelatura ng Batanes sa mamamayan ng suporta sa isasagawang online concert para sa pagbangon ng Batanes na lubhang napinsala ng bagyong Kiko. Ayon kay Fr. Vhong Turingan, chancellor ng prelatura, pangungunahan ng OPM artist ang online concert na layong makalikom ng pondo para sa pagsasaayos sa mga napinsala at pagbangon ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Diocese of Tagbilaran, nanawagang itigil na ang pamumutol ng punongkahoy sa Bohol

 1,892 total views

 1,892 total views Higit na pinalawak ng Diyosesis ng Tagbilaran ang mga programang magbibigay proteksyon sa kalikasan. Sa liham pastoral ni Bishop Alberto Uy binigyang diin nito ang pagpapalago ng mga kagubatan sa lalawigan sa pangunguna ng 58 parokya ng diyosesis. “Usa sa dako ug konkreto nga aksyon nga akong idasig kaninyo mao ang paghimo og

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Obispo, nanawagan ng suporta sa Parish-Forest program ng Diocese of Tagbilaran

 1,866 total views

 1,866 total views Hinimok ng pinunong pastol ng Diyosesis ng Tagbilaran ang mananampalataya na suportahan ang programang ‘Parish-Forest’ ng diyosesis. Ayon kay Bishop Alberto Uy layunin ng programa na mapalawak ang mga kagubatan sa lalawigan ng Bohol sa pangunguna ng simbahan. Naniniwala ang obispo na mahalagang paunlarin ang pagtatanim ng mga punongkahoy upang mapangalagaan ang kalikasan

Read More »
Environment
Norman Dequia

Pangalagaan ang kalikasan, panawagan ng Apostolic Nuncio to the Philippines sa mga Filipino

 1,863 total views

 1,863 total views Hinimok ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang mananampalataya na isabuhay ang panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco na pangalagaan ang kalikasan. Sa pagninilay ng nuncio sa isinagawang Popes Day mass sa Manila Cathedral binigyang diin nito ang pagkakaugnay ng ‘moral and environmental beauty’ kung saan tungkulin ng bawat kristiyano

Read More »
Disaster News
Norman Dequia

Ika-7 anibersaryo ng 7.2 magnitude na lindol: “Hindi tayo pinapabayaan ng Panginoon”-Bishop Uy

 2,908 total views

 2,908 total views Pinaalalahanan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mananampalataya na hindi nagpapabaya ang Diyos sa sangkatauhan sa kabila ng krisis at hamong kinakaharap ng bawat isa.  Ito ang pagninilay ng obispo kaugnay sa paggunita sa ikapitong taon mula nang yanigin ng 7.2 magnitude na lindol ang Bohol noong Oktubre, 2013. Sa kabila ng trahedya ayon

Read More »
Environment
Norman Dequia

Developmental aggression, nagdudulot ng collateral damage sa kalikasan at ecosystem

 1,843 total views

 1,843 total views Nakiisa ang Diyosesis ng Baguio sa buong Simbahang Katolika sa pagdiriwang ng Season of Creation kasabay ng panawagan sa mananampalataya na magkaisa at magtulungang pangalagaan ang kalikasan. Sa liham pastoral ng ni Bishop Victor Bendico binigyang diin ang kasalukuyang nangyayari sa kalikasan na nakasasama sa nag-iisang tahanan ng daigdig. Inihayag ng Obispo na

Read More »
Environment
Norman Dequia

Pagkilala ng Vatican sa renewable energy program ng Diocese of Maasin, ikinagulat ng Obispo

 1,744 total views

 1,744 total views June 23, 2020, 12:33PM Ikinatuwa ng Diyosesis ng Maasin ang pagkilala ng Vatican bilang kauna-unahang diyosesis na gumamit ng renewable energy. Ayon kay Bishop Precioso Cantillas, ikinagulat nito ang pagkilala sa maliit na hakbang ng diyosesis bilang tugon sa panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco na pangalagaan ang kalikasan. “I am surprised to know

Read More »
Environment
Norman Dequia

Kapanatagan ng loob at kaligtasan ng mamamayan sa paligid ng Mt.Kanlaon, dalangin ng Obispo.

 1,754 total views

 1,754 total views June 23, 2020, 10:53AM Hinimok ni San Carlos Negros Occidental Bishop Gerardo Alminaza ang mamamayan na malapit sa Mt. Kanlaon na maging mapagmatyag at sumunod sa payo ng mga eksperto. Sa panalangin ng obispo na ipinadala sa Radio Veritas, hiniling nito sa Panginoon ang paggabay at kaligtasan ng bawat isa mula sa posibleng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top