Maging maawain, mahabagin, at totoo sa kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,017 total reads

Ito ang hamon ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya, kasabay ang pagdiriwang ng ika-20 Anibersaryo ng pagtatalaga sa Shrine of Jesus the Way the Truth and the Life.

Ayon kay Cardinal Tagle, ang bawat mananampalataya ay nagnanais na makasunod kay Hesus, subalit hindi ito madali dahil kinakailangang tularan ng mga tao ang Kan’yang ginawa.

Inihalimbawa ni Cardinal Tagle ang pagtulong ng mabuting samaritano sa isang taong nangangailangan.

Sinabi nito na tulad ni Hesus, inaanyayahan ang mga mananampalataya na maging matulungin at magpakita ng habag sa kapwang naghihirap.

“Be a neighbor. A neighbor is one who sees a brother and sister in anyone in need, and out of compassion, and solidartity, he attends to the needs of others. Ang neighborhood, ang pagtulong ay pinapakita ng nga may habag, tulad ni Hesus.” pahayag ni Cardinal Tagle.

Dagdag pa ng Cardinal, si Hesus ay hindi lamang ang mabuting Samaritano na tumutulong sa mga mahihirap.

Ayon kay Cardinal Tagle, ang mga mahihirap, nagugutom, at nasa bilangguan ay sumasalamin din kay Hesus.

Dahil dito, inihayag ng Kardinal na mahalagang kalingain ng bawat mananampalataya ang kanilang kapwa lalong-lalo na ang mga naisasantabi sa lipunan.

“Si Hesus ay hindi lamang good samaritan, isa din S’ya sa nga pulubi noon na naghihingi ng tulong. Whatever we do to the least of our bethrens we do it unto Him.” pahayag pa ni Cardinal Tagle.

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-20 taon ng pagkakatalaga sa Shrine of Jesus the Way the Truth and the Life, binasbasan naman ni Cardinal Tagle ang ilang bahagi ng bagong kumpuning simbahan.

Matatandaang taong 1995 sa pagbisita ni St. Pope John Paul II sa Pilipinas, sinulong ang pagpapatayo ng dambana sa pangunguna nang noo’y Arsobispo ng Maynila na si Abp. Jaime Cardinal Sin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 128,983 total reads

 128,983 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 265,811 total reads

 265,811 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 381,586 total reads

 381,586 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 496,713 total reads

 496,713 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 47,379 total reads

 47,379 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 76,914 total reads

 76,914 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 69,758 total reads

 69,758 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top