Delegado sa PCNE 6, umaabot na sa 6-libo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 438 total reads

Hinimok ng bagong halal na tagapamalahala ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Youth ang mga kabataan na makilahok sa ika-anim na serye ng Philippine Conference on New Evangelization na nakatuon ngayong taon sa ginugunita ng Simbahan na Year of the Youth.

Ayon kay Diocese of Daet Bishop Rex Andrew Alarcon, incoming chairman ng kumisyon, bukod sa personal na pagkikilahok sa pagtitipon ay maari ring makibahagi ang mga kabataan sa pamamagitan ng internet at social media.

Paliwanag ng Obispo, mahalaga ang layunin ng pagtitipon na maibukas ang kamalayan ng mga kabataan sa kanilang mahalagang papel na ginagampanan para sa lipunan, Simbahan at sa buong daigdig.

Inihayag ni Bishop Alarcon na dapat na matuklasan ng mga kabataan kung paano magagamit sa kabutihan ng bayan, Simbahan at mas nakararami ang biyayang kakayahan na ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isa.

“I invite you to attend physically or if not just follow the event on the social media, in the internet because this will be a mini journey towards the importance of youth in the world and in the church today and also to realize our giftedness that we are given a mission to make a difference in the world, in our church, in our community and that we are a gift to the world…” pahayag ni Bishop Alarcon sa panayam sa Radyo Veritas.

Tema ng ika-anim na serye ng PCNE ngayong taon ang “Filipino Youth Walking with Jesus” na hango sa ipinagdiriwang ng Simbahang Katolika na Year of the Youth bilang bahagi ng siyam na taong paghahanda ng Simbahan para sa ika-500 taon ng Katolisismo sa Pilipinas.

Nakatakda ang PCNE VI sa ika-18 hanggang ika-21 ng Hulyo sa UST Quadricentennial Pavilion kung saan batay sa tala ng pamunuan ng PCNE umabot na sa 6,050 ang bilang ng mga nagparehistrong delegado para sa pagtitipon.

Si Bishop Alarcon ay isa lamang sa mga bagong naihalal na Obispo sa naganap na ika-119 na Plenary Assembly ng Catholic Bishops Conference of the Philippines upang pangasiwaan ang CBCP – Episcopal Commission on Youth kahalili ni Bagued, Abra Bishop Leopoldo Jaucian.

Magsisimula ang dalawang taong panunungkulan ng mga bagong opisyal ng CBCP sa unang araw ng Disyembre 2019 hanggang sa ika-30 ng Nobyembre 2021.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 37,521 total reads

 37,521 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 73,307 total reads

 73,307 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 299,577 total reads

 299,577 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 193,045 total reads

 193,045 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 285,063 total reads

 285,063 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top