Panawagan ng DOH: Sundin ang 4’s strategy laban sa Dengue

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 695 total reads

Pinaalalahanan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Health Care ang mga mamamayan na balikan ang 4S na payo ng Department of Health upang makaiwas sa pagkakaroon ng Dengue.

Ayon kay Fr. Dan Cancino–executive Secretary ng Commission, kung maisasagawa ito sa lahat ng mga parokya ay malaki ang maitutulong upang mapigilan ang pagdami ng mga kaso ng dengue.

Iminungkahi pa ng pari na simulan ito sa mga Basic Ecclesial Communities, upang maipaunawa ng lubos sa mga ordinaryong mamamayan ang panganib na maidudulot ng dengue at kung paano ito maiiwasan.

“Ang simbahan ay talagang nagpapalaganap ng edukasyon at mga preventive measures. Inaanyayahan natin ang lahat ng mga parokya na manguna sa paglilinis ng kapaligiran at mag-umpisa yon sa mismong paligid ng ating mga parokya, himukin ang komunidad lalong lalo na yung sa mga BEC structures natin na gawin itong regular at preiodic na paglilinis,” bahagi ng pahayag ni Fr. Cancino sa Radyo Veritas.

Ang 4S Strategy ay nangangahulugan ng (1) Search and Destroy o hanapin at sirain ang mga pinamumugaran ng mga lamok, (2) Self Protection measures sa pamamagitan ng pagsusuot ng pantalon at damit na may mahabang manggas at paglalagay ng insect repellant, (3) Seek Early Consultation o ang maagap na pagkonsulta sa doctor sakaling makaramdam ng mga sintomas ng dengur, at ang huli ay (4) Support Fogging lalo na sa mga lugar na idineklara na ang ourbreak sa naturang sakit.

Ang CBCP ECHC kasama ang kanilang partner health care organizations ay nagtungo na sa Western Visayas upang pangunahan ang mga paglilinis sa mga lugar na laganap ang dengue.

“Dahil ang Western Visayas ay dito ang pinaka mataas na incidence rate ng dengue, ang ating partner doctors, health care organizations at community based health care programs natin ay nagpapalaganap ng kaalaman, sila ang nangunguna sa paglilinis at inuumpisahan ito sa areas ng mga parokya,” Dagdag pa ng Pari.

Nagbibigay din dito ng health assistance ang simbahan, lalo na sa mga mahihirap na apektado ng sakit.

Inaasahan namang maglalabas muli ng pahayag ang CBCP ECHC kaugnay sa mga lumalaganap na sakit sa buong bansa.

Sa tala ng DOH Epidemiology Bureau, simula noong Enero hanggang Hunyo ng 2019 ay umaabot na sa mahigit 98-libo ang bilang ng mga kaso ng dengue habang 428 na ang mga namatay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 26,104 total reads

 26,104 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 62,507 total reads

 62,507 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 288,777 total reads

 288,777 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 182,244 total reads

 182,244 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 274,895 total reads

 274,895 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 34,866 total reads

 34,866 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 27,759 total reads

 27,759 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top