Kabataan, hinimok na manindigan para sa katarungan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 501 total reads

Umapela ang Association of Major Religious Superiors of the Philippines (AMRSP) sa bawat mamamayan lalu na sa kabataan na makibahagi sa ng panawagan sa pamahalaan kaugnay sa mga maling nagaganap sa bansa.

Ayon kay AMRSP-executive Secretary Fr. Angel Cortes, kaisa ang Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) na itinatag ng AMRSP noong ng Martial Law ay mahalagang magkaisa ang taumbayan na maiparamdam sa pamahalaan ang galit at pagkondina sa kaguluhan at kawalan ng katarungan sa lipunan.

“Kami mula sa Association of Major Religious Superiors of the Philippines at ng Task Force Detainees of the Philippines ay inaanyayahan namin kayo na makiisa, makibaka at tulungan kami na talagang iparamdam natin yung galit natin sa ginagawa ng sasabihin ko ba ng gobyerno hindi lamang sa Simbahan,” ang bahagi ng pahayag ni Fr. Cortes sa panayam sa Radyo Veritas.

Paliwanag ng Pari, bagamat hindi naranasan at walang kaalaman ang mga kabataan sa mga pinagdaanan ng bayan sa ilalim ng Batas Militar ay dapat na maging bukas ang kamalayan ng bawat isa sa umiiral na sa karahasan sa lipunan sa ngayon na may pagkakatulad sa mga naganap sa ilalim ng rehimeng Marcos.

Tinukoy ni Fr. Cortes ang makabagong paraan ng pagpapatahimik o ang pagpigil ng pamahalaan sa mga kritiko nito at ang modernong paraan ng pagpaslang sa mga mamamayan sa pamamagitan ng marahas na pagpapatupad sa kampaya laban sa kriminalidad at illegal na droga.

Giit ni Fr. Cortes, dapat na manindigan at patuloy na kumapit sa katotohanang hatid ng Panginoon ang bawat isa upang magsilbing gabay sa ganap na pagsusulong ng kaayusan sa lipunan.

“Hindi bulag ang mga kabataan, hindi tayo manhid para hindi natin maramdaman kung paano tayo pinapahirapan ngayon, alam ko maraming millennials ang nakikinig diyan hindi niyo man alam ang kasaysayan noong panahon ng batas militar pero ito ngayon nakikita niyo yung modernong pamamaraan ng pagpatay, yung modernong pamamaraan kung papaano tayo pinapatahimik, kayo na ang bahalang humusga at alam kong ramdam ng inyong puso na hindi tayo pababayaan ng Panginoon at kanino tayo kakapit? Katulad ng Veritas tayo ay kakapit sa katotohanan para sa ating bayan,” dagdag pa ni Fr. Cortes.

Puspusan din ang panawagan ng Simbahan sa malaking hamon sa mga kabataang Filipino ngayong Year of the Youth na nasasaad sa tema nitong ‘Filipino Youth in Mission: Beloved, Gifted, Empowered’.

Ang Year of the Youth ang kasalukuyang ipinagdiriwang ng Simbahang Katolika bilang bahagi ng siyam na taong paghahanda ng Simbahan para sa ika-500 taon ng Katolisismo sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 26,099 total reads

 26,099 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 62,502 total reads

 62,502 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 288,772 total reads

 288,772 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 182,239 total reads

 182,239 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 274,891 total reads

 274,891 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top