PNP-Chaplains, tiniyak ang patuloy na paghuhubog sa hanay ng pulisya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 476 total views

Binigyang diin ng Chaplain Service ng Philippine National Police na mahalaga ang tungkulin ng mga lingkod ng Simbahan sa gawain ng pulisya.

Ayon kay Police Col. Fr. Lucio Rosaroso Jr., Officer-In-Charge ng PNP-Chaplain Service, pinaiigting ng PNP ang paglilinis ng kanilang hanay upang maiwasan at tuluyang masugpo ang katiwalian ng mga pulis sa bansa.

“Very relevant talaga yung misyon namin, yung role namin especially nitong revitalized PNP internal cleansing strategy especially sa aspects of restorative and preventive. We have in fact several programs like for instance ngayon ay paigtingin natin itong values formations,” pahayag ni Fr. Rosaroso sa Radio Veritas.

Kasabay ng pagidiriwang sa ika-27 anibersaryo ng Chaplain Service ay nagpulong ang mga church leaders mula sa iba’t ibang pananampalataya, mga Regional Directors at National Capital Region Police Office upang talakayin ang ‘PNP Enhanced Revitalized Internal Cleansing Program’.

Hiniling ng pamunuan ng PNP ang tulong mula sa mga faith based groups sa pagpatupad ng programa dahil sa kakulangan ng tao sa chaplain service kung saan binubuo lamang ng halos 40 evangelical leaders kabilang na ang 28 mga Pari ng Simbahang Katolika.

“That is why we need the help of our faith based partners the accredited faith based groups so they help us in giving value formation on our men and women in uniform,” ani ni Fr. Rosaroso.

Kabilang sa binanggit ng Pari ang squadding system o ang Squad Weekly Interactive Meeting (SWIM) na binubuo ng 6 hanggang 8 police personnel na pamumunuan ng isang Life Coach o ng mga Pari, Pastor o Imam at mga nakatalagang faith based group na mamamahala.

Sa pagpupulong ng mga squad isang beses sa isang linggo, tatalakayin dito ang pagpapakatao, paglilingkod bilang tagapagpatupad ng batas at iba pang usaping may pagpapahalaga sa kapwa at lipunan.

“In that squad meeting, everything that has something to do with the life, service of the police, and everything will be tackled,” giit ni Fr. Rosaroso.

Ang squadding system ng Chaplain Service ng PNP ay katumbas sa programa nang simbahan na Basic Ecclesial Communities na pinalalakas ang samahan ng mananampalataya sa pamamagitan ng pagbuo ng mga grupo mula sa maliliit na komunidad ng sambayanan.

Sa ginanap na pagpupulong sa pagitan nina PNP Chief General Oscar Albayalde at Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle, napagkasunduan ng magkabilang panig ang pagtutulunga tungo sa pagkakaisa at pag-iral ng kapayapaan sa lipunan maging ang paglinis sa hanay ng pulisya.

Sa huli ay nanawagan si Fr. Rosaroso sa mga pulis na sundin at makiisa sa programang ipinatutupad upang mas maitaas ang moralidad ng pulisya bilang tagapagtanggol ng mga Filipino.

“We have to obey and of course abide by the pronouncement of the Chief PNP especially the revitalized internal cleansing strategy; kung meron tayong mga seminars, mga value formations so let’s allow ourselves to do all this things for the good of the organization and for the good of ourselves,” saad ni Fr. Rosaroso.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 220,441 total views

 220,441 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 250,664 total views

 250,664 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 277,308 total views

 277,308 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 372,281 total views

 372,281 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 379,029 total views

 379,029 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top