Tanggapin ang Panginoon at kapwa, hamon ni Kardinal Tagle sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 452 total views

Lubos ang pasasalamat ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga organizer, delegado, participants at partners sa matagumpay na pagdaraos ng Philippine Conference on New Evangelization sa University of Santo Tomas, Quadricentennial Pavilion.

Sa huling araw ng pagtitipon, nag-iwan ng hamon si Cardinal Tagle sa mga mananampalataya.

Hinimok nito ang bawat isa na malugod na tanggapin ang Panginoon, mga dayuhan at ang misyon ni Kristo.

Ayon kay Cardinal Tagle, ang pagtanggap sa salita ng Diyos ay magbubunga sa puso ng mga mananampalataya upang matularan ang kanyang mga gawain.

Sa pamamagitan nito magagawa ng bawat isa na tanggapin maging ang mga estranghero, ang mga mahihirap at mga naisasantabi sa lipunan.

“You welcome strangers in the faith of welcoming God… Then you receive Jesus in the hungry, in the thirsty, in the naked, in the homeless, in the sick, in the prisoner.” pagninilay ni Cardinal Tagle.

Ayon kay Cardinal Tagle, sa gawaing ito ay nakikibahagi rin ang mga mananampalataya sa misyon, pagpapakasakit ng Panginoon at pag-aalay ng buhay sa Diyos at sa kapwa.

“To welcome Jesus, to welcome the Word of God also means welcoming a mission and welcoming the suffering.” Bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle.

Samantala, nanawagan din ang Kardinal sa mga nakatatanda na tulad ng kanilang pagnanais na mapakinggan ng mga kabataan ay malugod ding tanggapin at pakinggang ang mga kabataan.

“Kalimitan gusto natin yung mga bata ang mag welcome sa ating salita, pero ngayon sinasabi ng mga bata, i-welcome nyo din kami sa aming mundo… as we urge young people to listen to our stories, may we invite you to also welcome the stories of the young.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Ngayong 2019 ang ika anim na taon ng pagsasagawa ng PCNE.

Tinatayang umabot sa 5-libo ang mga mananampalatayang nagtipon simula ika 18 hanggang 21 ng Hulyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 220,458 total views

 220,458 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 250,681 total views

 250,681 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 277,325 total views

 277,325 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 372,298 total views

 372,298 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 379,045 total views

 379,045 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 346,966 total views

 346,966 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top