Death penalty, isang quick-fix solutions

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 527 total reads

Naniniwala ang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na maaring magbago ang mga makasalanan.

Ayon kay Rudy Diamante, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care, ito ay kung lilikha ng mga programa na magbibigay ng pagkakataon sa mga nasa piitan ng bagong buhay lalu na sa kanilang paglaya.

“I’ve been on the prison ministry since 1976 and I am a witness doon sa mga pagbabagong naganap. In fact sa Pilipinas, ang rate of recidivism ay mababa. So yung sasabihin na hindi sila natututo, natututo naman talaga sa pagbabago. Basta na-create mo yung environment na kung saan sila ay maaaring mabigyan ng bagong buhay,” ayon kay Diamante.

Tinukoy ni Diamante ang ginagawang adbokasiya ng simbahan na paghuhubog sa mga nakakulong at mga pagsasanay nang sa gayun ay maging handa sa buhay laya.

“Basta nabigyan sila ng pagkakataon. Ang problema lang sa system natin, for example, mahihirapan na sila makapasok sa trabaho kasi nga sila ay convicted prisoner, so minsan hindi nila sasabihin na sila ay convicted prisoner.” pahayag ni Diamante

Ang pahayag ng opisyal ay kaugnay sa muling pagsusumite ng death penalty bill sa Senado bilang parusa sa mga drug trafficker at plunderers.

Nagkakaroon naman ng agam-agam si Diamante sa pagdalo sa mga inaasahang mga pagdinig lalu’t tila sarado na ang kaisipan ng mga mambabatas para pakinggan ang mga tutol sa parusang bitay.

“Studying this criminal justice system, mas gusto nila yung quick fix solusyon, kaya minsan yung hearing na kino-conduct, ay sayang lang ang pera ng bayan, sayang din ang oras, kasi hindi naman talaga sila open sa pakikinig,” ayon pa kay Diamante sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi pa ni Diamante na marami nang mga pag-aaral ang nagsasabing hindi ang capital punishment ang tugon sa mga suliranin ng lipunan tulad ng talamak na droga, krimen at pandarambong.

Kamakailan lamang ay muling umapela ang Santo Papa Francisco sa mga bansang umiiral ang death penalty na iwaksi ang batas bilang pagkilala sa pangunahing karapatan ng bawat tao ang karapatan na mabuhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 14,234 total reads

 14,234 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 100,541 total reads

 100,541 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 137,913 total reads

 137,913 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 169,173 total reads

 169,173 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 241,319 total reads

 241,319 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top