Gobyerno, hinamong isulong ang malinis na enerhiya at sustainable agriculture.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 44,230 total reads

Nagtipun-tipon ang mga makakalikasang grupo kasama ang ilang faith-based organization sa pagsisimula ng isang linggong Global Climate Strike.

Kinalampag ng mga envorinmentalist ang tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources at Department of Agriculture, upang ipanawagan ang pagsusulong ng malinis na enerhiya at maisulong ang sustainable agriculture para sa kapakanan ng mga magsasaka sa bansa.
Pinangunahan ng mga kabataan ang ginawang Youth Climate Strike sa University of the Philippines sa Diliman Quezon City upang ipakita ang aktibong pakikisangkot sa mga usapin tungkol sa kapaligiran at sa klima.

Ayon kay Madelene De Borja – NCR Coordinator ng Ecological Justice League, tungkulin nilang imulat ang kapwa nila kabataan sa tunay na kalagayan ng kasalukuyang daigdig at kung paano ito maililigtas.

Iginiit pa ni De Borja na mahalagang mahimok ang pamahalaan na magtakda ng mga hakbang upang masagip ang kalikasan para sa susunod na henerasyon.

“Kami yung magmamana ng kinabukasan at ano yung estado ng mga mamanahin namin, tubig, lupa at hangin? Kaya kami sa sektor ng kabataan patuloy kami sa pag-oorganisa, pagmulat ng mas maraming kabataan, at ito yung panawagan namin sa gobyerno, ito yung dapat nating gawin, i-save yung future ng mga kabataan.” Pahayag ni de Borja sa Radyo Veritas.

Hinimok rin ng CBCP NASSA/Caritas Philippines ang mamamayan na patuloy na makiisa sa mga susunod pang gawain bilang bahagi ng isang linggong Global Climate Strike.

Ayon kay Fr. Edwin Gariguez – Executive Secretary ng komisyon, mahalaga ang malawakang pagkilos na ito upang ipadama sa pamahalaan ang pagkaalarma ng mamamayan hinggil sa nagaganap na pagbabago ng klima.

Naniniwala si Father Gariguez na sa ganitong mga pagtitipon ay mahihikayat ang pamahalaan na gumawa ng kongkretong hakbang na isulong ang paggamit ng renewable energy upang maalis at maipasara na ang mga coal fired power plants.

“We need to raise the alarm thru this global protest to demand our governments to address climate emergency, and to reduce emission by adopting renewable energy policy. We also encourage people to do their part in caring for and saving our common home!” Pahayag ni Father Gariguez.

Ngayong 2019, tinatayang 150 mga bansa, kabilang na ang Pilipinas, ang nakiisa sa Global Climate Strike, habang sa buong mundo ay tinatayang 3,500 iba’t-ibang aktibidad para sa kalikasan ang isasagawa.

Sang-ayon sa pahayag kamakailan ng Santo Papa ang mundo ngayon ay nahaharap sa isang Climate Emergency kaya naman marapat lamang na mag-sama-sama at pagtulungan ang lahat ng tao sa mundo anuman ang kanilang katayuan sa buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 15,825 total reads

 15,825 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 52,926 total reads

 52,926 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 279,196 total reads

 279,196 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 172,663 total reads

 172,663 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 265,901 total reads

 265,901 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 34,653 total reads

 34,653 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 27,549 total reads

 27,549 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top