Be a welcoming church!

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 515 total reads

Ito ang inihayag ni Fr. Matthiue Dauchez-executive director ng Tulay ng Kabataan Foundation Inc. na tungkulin ng simbahan upang mahikayat ang mga Kristiyano na muling bumalik sa simbahan.

“Nauuhaw sila talaga sa espiritwal pero ‘yung feeling na hindi sila welcome sa simbahan dapat tatanggalin ‘yan dapat maramdaman nila na pwede silang pumasok sa simbahan kasi parang takot sila,” ayon kay Fr. Dauchez sa panayam ng Radio Veritas.

Ayon pa sa pari, ito rin ang layunin ng isasagawang ‘Mass Baptism’ na gaganapin sa Manila Cathedral na pangungunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle bukas alas-9 ng umaga.

Inaasahang aabot sa 450 bata edad 8-taon gulang pababa ang bibinyagan kung saan katuwang ni Cardinal Tagle sa pagdiriwang ang 14 na mga pari.

Read: Daan-daang batang kalye, tatanggap ng sakramento ng binyag

“It’s amazing na naintindihan ang nangyayari, alam nila talaga kung ano ang binyagan. Im very amazed and it is something that really amazing in the Philippines na parang may natural na catechism sila ang mga pamilya,” dagdag pa ng pari.

Ayon kay Fr. Dauchez, bago ang itinakdang binyagan ay sumailalim din sa paghuhubog ang mga magulang ng mga bibinyagang mga bata at tiniyak din na masusundan ang paghuhubog na ito matapos ang pagtanggap ng sacrament.

Inihayag ng pari na kabilang sa pangamba ng mga pamilya ang paniniwalang may babayaran sa pagtanggap ng sakramento.

Una na ring nilinaw ng simbahan na walang bayad ang pagtanggap ng mga sakramento.

“Siguro yung feeling na masyado silang mahirap,” ayon sa pari.

Ang ‘arancel system’ sa simbahan ay ang pagbibigay ng stipend sa serbisyong pangsimbahan na ginagamit para sa maintenance, mga kawani at iba pang mga pangangailangan ng simbahan.

Taong 2015 nang tanggalin ang ‘fixed rate’ para sa mga sakramento sa Lingayen-Dagupan sa halip ay kusang donasyon ng mga mananampalataya.

Sa Archdiocese of Manila ay unti-unti na ring tinatanggal ang ‘arancel system’ o fixed rate na inaasahang buong maipapatupad sa taong 2021.

Read: Pag-alis ng arancel system, ipapatupad ng Archdiocese of Manila

Bukod sa mass baptism, kabilang din sa mga susunod na proyekto ng Tulay ng Kabataan ang pagkakaroon ng ‘adult baptism’, ‘mass wedding’, at pagkukumpil.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 30,963 total reads

 30,963 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 67,097 total reads

 67,097 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 293,367 total reads

 293,367 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 186,834 total reads

 186,834 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 279,231 total reads

 279,231 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 5,918 total reads

 5,918 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top