Isang buwang prosisyon ng Our of the Holy Rosary, isasagawa sa Negros

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 581 total reads

Ibinahagi ng Obispo ng Diocese of San Carlos, Negros Occidental ang paraan ng paggunita ng diyosesis sa Holy Rosary Month o Buwan ng Rosaryo na ginugunita tuwing buwan ng Oktubre.

Ayon kay Diocese of San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, naging kaugalian na ng mga mananampalataya sa diyosesis ang pagsasagawa ng Aurora na nangangahulugan ng pagbubukang liwayway.

Sinabi ng Obispo na tuwing buwan ng Oktubre ay ipino-prosisyon ng mga mananampalataya ang imahen ng Our Lady of the Holy Rosary mula sa St. Charles Borromeo Cathedral Parish patungo sa iba’t ibang parokya.

Ibinahagi ng Obispo na layunin ng naturang gawain na mahimok ang mamamayan na mas maging aktibo sa Basic Ecclesial Community sa loob ng isang buong buwan o 30-araw.

“Sa San Carlos sa amin sa Cathedral Parish and it’s also being duplicated in many parishes it’s the whole month yung tinatawag nilang Aurora which is referring to the dawn kasi at 4’oclock they hold procession of the image of Our Lady of the Holy Rosary of Barangay is being transferred from one center chapel of the Basic Ecclesial Community to another for the whole 30 days…” pahayag ni Bishop Alminaza sa panayam sa Radyo Veritas.

Itinuturing ni Bishop Alminaza na isang magandang karanasan para sa mananampalataya mula sa iba’t-ibang antas ng pamumuhay sa diyosesis ang isang buwang maagang pagtitipon-tipon upang sama-samang ihatid at salubungin ang imahen ng Mahal na Birheng Maria patungo sa iba’t-ibang kumunidad pabalik ng Cathedral.

“For the whole for 30 days it’s like Our Blessed Mother visiting the different communities and it start at the Cathedral and goes back at the Cathedral in the end so maganda ito kasi akalain mo mga 3:30 people start assembling young and old, children, young from all walks of life…” Dagdag pahayag ni Bishop Alminaza.

Ang buwan ng Oktubre ay itinalaga bilang buwan ng Santo Rosaryo upang parangalan ang Birhen ng Santo Rosaryo na nagdiriwang ng kapistahan tuwing ika-7 ng Oktubre.

Ayon kay Pope Francis, magandang pagkakataon ang Buwan ng Santo Rosaryo upang mas mapalalim ang ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria.

Batay sa tala, may mahigit sa 900-libo ang bilang ng mga Katoliko sa Diocese of San Carlos na pinangangasiwaan ng may 80 na pari sa 33 mga parokya.

Ang buwan din ng Oktubre ay itinakdang “Mission month o Pista ng Misyon”.

Sa ika-18 ng Oktubre 2019, pangunguhan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang pagdiriwang sa Pista ng Misyon” sa Cuneta Astrodome Pasay City.

Read: Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Tagle na sariwain ang pagiging misyonero ni Hesus

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 17,120 total reads

 17,120 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 56,232 total reads

 56,232 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 91,532 total reads

 91,532 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 317,801 total reads

 317,801 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 210,153 total reads

 210,153 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top