San Agustin church, isinailalim sa “cleanup preservation”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 397 total views

Nakipagtulungan ang San Agustin Church sa Intramuros Manila sa Karcher Cleans the World Team upang linisin at ipreserba ang makasaysayang simbahan.

Ang Karcher ay isang German Company na kilala sa pagtulong sa pagpreserba ng mga makasaysayang monumento at gusali sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Una na nitong nilinis sa Pilipinas ang Rizal Monument noong 2017 at People Power Monument noong 2018.

Ngayong taon ang magiging kauna-unahang cleanup ng Karcher sa isang simbahan sa Pilipinas.

Kinilala ng Karcher ang ambag ng San Agustin Church sa kasaysayan ng bansa bilang pinakamatandang simbahan na sagisag ng katatagan ng mga Pilipino.

Naniniwala naman si Fr. Ricky Villar, OSA – Director ng San Agustin Museum na mahalaga ang paglilinis at pagpreserba ng mga makasaysayang simbahan dahil ang Pilipinas ay kilala sa pagiging isang katolikong bansa.

Aniya, isa itong natatanging tanda ng pananampalataya ng mga Pilipino lalo na ngayong nalalapit ang pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

“Ang pinakamaganda , you know sa ating history of the 500 years of Christianity of the country, napakaimportante at mahirap ihiwalay ang Catholicism sa ating history kasi ang dami daming mga witnesses kung gaano tayo ka-catholic faithful isa na dito ang simbahan, para ma preserve pa po natin ito for the next 500years kailangan natin ang regular maintenance so with this technology nagiging mabilis yun paglilinis ng mga heritage churches in the country.” Pahayag ng Pari sa Radyo Veritas.

Ang San Agustin Church ang natatanging gusali na nanatiling buo matapos ang pagkawasak na idinulot ng World War 2 sa Intramuros Maynila.

Ayon naman kay Thorsten Moewes – Cleaning expert ng Karcher Inc., masusing pag-aaral ang kanilang isinagawa bago natukoy ang paraan at teknolohiyang gagamitin sa paglilinis ng simbahan.

Ang harapan ng San Agustin Church ay gawa sa adobe, isang uri ng bato na ayon kay Moewes ay sensitibo at kinakailangang ingatan dahil maaari itong madurog kung mali ang paraang gagamitin sa paglilinis.

Steam pressure ang tinukoy na paraan ni Moewes, kung saan mababa lamang ang pressure ng tubig subalit mainit ang temperatura na aabot sa 60 degrees to 90 degrees Celsius.

Sinabi ni Moewes na pinapatay ng init ng tubig ang kontaminasyon sa mga pader dahilan upang matagalan bago tumubong muli ang mga lumot sa pader ng simbahan.

Posibleng abutin ng isang linggo ang paglilinis ng kabuuan ng harapan ng San Agustin Church.

Tiniyak naman ng pamunuan nito na walang maaapektuhan sa schedule ng mga misa at kasal sa simbahan, at maliit na abala lamang ang idudulot ng paglilinis sa mga turistang bumibisita sa makasaysayang simbahan.

Bukod dito, labis din ang pasasalamat ng simbahan sa libreng serbisyong kaloob ng Karcher.

Sa kasalukuyan mahigit na sa 140 ang bilang ng mga monumento at gusaling natulungang linisin ng Karcher simula nang maitatag ito noong 1980.

Kabilang na dito ang Colonnade ng St. Peter’s Square sa Roma, ang Christ the Redeemer statue sa Rio de Janeiro at ang mahigit 3,300 taong Colossi of Memnon sa Luxor, Upper Egypt, Mt. Rushmore National Memorial, at Aachen Cathedral.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 111,237 total views

 111,237 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 235,648 total views

 235,648 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 275,725 total views

 275,725 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 349,501 total views

 349,501 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 316,450 total views

 316,450 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top