DSAC-Kalibo, nagulat sa pagkakabilang sa “red tag list” ng gobyerno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 363 total views

Ikinagulat ng Social Action Center ng Diyosesis ng Kalibo ang pagkakabilang sa listahan ng gobyerno na mga institusyong may kaugnayan sa makakaliwang grupo.

Ayon kay Reverend Father Ulysses Dalida, ang Social Action Director ng diyosesis nabasa at narinig lamang sa mga balita ang impormasyong kabilang ang DSAC-Kalibo sa iniugnay sa Communist Party of the Philippines – New Peoples’ Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

“Hindi po namin (DSAC) alam kung bakit na-red tag ang DSAC-Kalibo, wala namang nakapagsabi sa amin,” pahayag ni Fr. Dalida sa Radio Veritas.

Palaisipan kay Father Dalida ang pagkakasangkot ng institusyon sa hanay ng mga grupong itinuturing na kalaban ng gobyerno.

Una nang ikinadismaya ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang listahang inilabas ng Department of National Defense kung saan maraming mga church group ang pinagbibintangang sumusuporta sa komunistang grupo.

Read: “Red tag list” ng DND, pinuna ng Obispo.

Bukod sa DSAC Kalibo kabilang din ang ilang international church organization tulad ng Caritas Australia; Caritas Austria; Caritas Belgium; Caritas Switzerland; Save the Children Foundation; Bread for the World, Oxfam at Church of Sweden Mission.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 199,919 total views

 199,919 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 230,142 total views

 230,142 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 256,787 total views

 256,787 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 351,760 total views

 351,760 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 359,826 total views

 359,826 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top