Iba’t-ibang religious denomination, makikiisa sa Red Wednesday campaign

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 891 total reads

Inilunsad ng Aid to the Church in Need Philippines (ACN PH) ang ikatlong taon ng pagsasagawa ng Red Wednesday campaign sa Pilipinas.

Ayon kay Jonathan Luciano – National Director ng ACN PH, espesyal ang pagdiriwang ngayong taon ng Red Wednesday dahil kasabay nito ang tema ng paghahanda sa ika-500 taon ng pagdiriwang ng Kristiyanismo sa Pilipinas na Year of Interreligious dialogue, ecumenism and Indigenous People.

Binigyang diin ni Luciano na isang pagkakataon ito upang palakasin ang kampanya para sa pananalangin sa mga Kristiyanong inuusig sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Sinabi ni Luciano na hindi lamang mga katoliko ang inuusig kun’di maging ang mga kristiyanong nabibilang sa ibang denominasyon, kaya naman mahalaga ang pakikiisa sa mga ito sa pamamagitan ng pananalangin.

“Itong Red Wednesday na ito ay panawagan sa ating lahat na muli magsama-sama tayo bilang mga Kristiyano at makiisa sa paghihirap ng mga kapatid nating Kristiyano in other parts of the world and at the same time pray for those who are suffering persecution, pray for those who are oppressed.” pahayag ni Luciano.

Muling gaganapin ngayong taon ang banal na misa para sa Red Wednesday sa Minor Basilica of the Immaculate Concepcion – Manila Cathedral.

Isasagawa ito nang alas otso y medya ng gabi at pangungunahan ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Vice President ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, kasama ang iba pang mga Obispo at pari na makiisa sa pagdiriwang.

Bilang bahagi din ng espesyal na pagsasagawa ngayong taon ng kampanya ay magkakaroon ng Ecumenical Prayer sa labas ng Manila Cathedral matapos ang banal na misa.

Ilan sa mga makikiisa sa Ecumenical Prayer and United Church of Christ in the Philippines, Aglipayan, Lutheran Church in the Philippines, Unida Church, at Iglesia Filipina Independiente.
Sa tala ng ACN PH umaabot na sa 2,071 ang bilang ng mga Simbahan, paaralan at Unibersidad na nagpahayag ng pakikiisa sa Red Wednesday Campaign.

Ayon kay Luciano, inanyayahan din niya ang lungsod ng Maynila na magpailaw ng kulay pula sa Manila Clock Tower, at inimbitahan si Manila Mayor Francisco “Isko Moremo” Domagoso na makiisa sa gaganaping banal na misa sa Manila Cathedral.

Samantala, hinihikayat ang mamamayan na magsuot ng pulang damit bilang pagpapakita ng suporta sa kampanya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 13,533 total reads

 13,533 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 50,764 total reads

 50,764 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 277,034 total reads

 277,034 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 170,501 total reads

 170,501 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 263,852 total reads

 263,852 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 34,618 total reads

 34,618 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 27,515 total reads

 27,515 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top