Kabataang Filipino, hinamong maging cyber missionaries

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 352 total views

Ipagpatuloy ang pagiging misyonero ng kabataan, maging Cyber Missionaries.

Ito ang hamon ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco matapos ang Mission Week at Diocesan Youth Day ng Cubao, na ginanap sa Sta. Maria Dela Strada Parish noong ika-30 ng Nobyembre.

Naniniwala ang Obisop na maraming magagawa at mai-aambag ang mga kabataan sa pagpapalaganap ng salita ng Diyos lalo na sa Social Media.

“Share the word become cyber missionaries marami tayong magagawa. Yan ang aking hamon, yan ang aking hinihiling sa inyo, marami kayong ma-co-contribute para manatiling buhay, banal ang ating simbahan sa Diocese of Cubao.” bahagi ng pagninilay ni Bishop Ongtioco.

Ipinaalala ng Obispo sa mga kabataan na huwag susuko dahil laging kasama ng bawat isa ang Panginoon.

Pinayuhan din ng Obispo ang mga kabataan na panatilihing nag-aalab ang pananampalataya at pag-ibig sa Diyos na siyang magbibigay init sa buhay at pananampalataya ng kapwa.

“Kabataan dumadaan ka man ng kahirapan wag mong kalilimutan may diyos na tumatapik sayo upang gabayan ka sa buhay mo… Keep the burning love of God in your heart’s share it with the world because the moment that fire stops burning who, knows many would die of the cold.” Dagdag pa ng Obispo.

Tiwala naman si Bishop Ongtioco sa kakayahan ng mga kabataan na pagbuklurin ang lipunan sa kabila ng pagkakaiba-iba ng pananampalataya.

“Yan ang isa sa hangarin ng ating Panginoon, magkaisa, kaya ecumenism, interreligious dialogue ang Diyos ay kumikilos hindi lamang sa mga Roman Catholics kun’di sa lahat ng mga tao, sa puso ng bawat tao, at mahalaga yung contribution ng kabataan to respect the culture, the views of others, magkaisa sa Panginoon sa pagpapalaganap ng pagtutulungan, pagsuporta , pagmamahalan.” Dagdag pa ni Bishop Ongtioco.

Sa pagtatapos ng liturhikal na taon ng simbahan, at pagsisimulang muli ng panahon ng Adbiyento ipagdiriwang din sa Pilipinas bilang tema ng paghahanda sa ika-500 taon ng Krtitiyanismo sa Pilipinas ang Year of Ecumenism, Interreligious Dialogue and Indigenous Peoples.

Umaasa ang simbahang katolika na makatutulong ang mga tema ng taong ito upang makapagnilay at mapalakas ng bawat isa ang kanilang pananampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 204,543 total views

 204,543 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 234,766 total views

 234,766 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 261,411 total views

 261,411 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 356,384 total views

 356,384 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 364,056 total views

 364,056 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 346,598 total views

 346,598 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top