Climate justice, panawagan sa COP25

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 899 total reads

Hustisyang pangklima ang panawagan ng mga makakalikasang grupo sa pamahalaan ngayong nalalapit na ang pagdaraos ng United Nations Climate Change Conference of Parties COP25.

Nagsagawa ng Global Climate Strike ang iba’t-ibang makakalikasang grupo, kasama ang mga kinatawan ng simbahan sa Lapu-Lapu Monument, Luneta Park noong ika-29 ng Nobyembre, upang bigyang diin ang panawagan at protestang ito sa pamahalaan.

Ayon kay Naderev Saño, Executive Director ng Greenpeace South East Asia, kinakailangang seryosohin ng pinuno ng bawat bansa ang climate change o climate emergency dahil apektado nito ang maraming mamamayan sa iba’t-ibang panig ng mundo.

“Itong Global Climate Strike ay pagpapakita ng lakas ng sambayanan at isang pagpapahayag sa mga namumuno ng mga bansa at sa mga korporasyon na responsible sa krisis ng klima na kailangan nilang seryosohin itong problema na ito and this is a matter of life and death sa Filipinos.” Pahayag ni Saño sa Radyo Veritas.

Inihayag ni Saño na ang paparating na bagyong Tisoy sa Pilipinas ay epekto na ng malalang kalagayan ng klima sa mundo.

Iginiit nito na out of season ang bagyong Tisoy sa buwan ng Disyembre at hindi inaasahan ang pagdating nito sa bansa ngayong ginaganap dito ang South East Asian Games.

Umaasa naman si Sano na magiging hudyat ang bagyong Tisoy upang seryosong harapin ng mga lider ng bansa sa South East Asia ang problema sa klima ng mundo.

“Ang bagyong Tisoy ay out of season, hindi natin inaasahan ang super typhoon sa panahon ng Disyembre at lalo na ngayong isinasagawa ang SEA Games. Isa itong pagpapatunay na kinakaharap natin itong problema natin sa Climate Change at sana maging hudyat ito sa mga liderato ng South East Asian countries na mabigyang pansin itong problema ng climate change at lalong palakasin itong boses ng South East Asia”, Dagdag pa ni Saño.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 33,071 total reads

 33,071 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 69,111 total reads

 69,111 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 295,381 total reads

 295,381 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 188,848 total reads

 188,848 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 281,130 total reads

 281,130 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 35,031 total reads

 35,031 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 27,924 total reads

 27,924 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top