Huwag mawalan ng pag-asa, panawagan ng simbahan sa mga may sakit na HIV-AIDS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 929 total reads

Huwag mawalan ng pag-asa sa kabila ng karamdaman.

Ito ang paalala ni Father Manuel Abogado, head ng Archdiocese of Manila-Ministry on Health Care, sa paggunita sa National AIDS Sunday sa unang araw ng Disyembre.

Ayon sa pari, kasabay ang unang linggo ng adbiyento, ipinahayag ng mga salita ng Diyos na hindi dapat mawalan ng pag-asa ang tao dahil ipinangako ng Panginoon ang pagdating ng manunubos.

Ipinaliwanag ni Fr. Abogado na maging ang mga may sakit na HIV-AIDS ay mayroon pang pag-asa, kinakailangan lamang na talikdan nito ang mga dating gawain na naging dahilan ng pagkakaroon ng karamdaman.

“Ngayon ay unang linggo sa panahon ng adbiyento at ang unang kandila na sinindihan ay sumisimbulo sa pag-asa, hindi porket maysakit ang isang tao wala nang pag-asa pa. Ipanalangin natin na makatawid tayo to be able to pass over from sin to salvation, from death to life, from sickness to health… Hindi mawalan ng pag-asa sa mga may sakit, kung susundin lamang yung therapy at magiging maayos na babaguhin yung lifestyle hindi na magiging tulad ng dati, mayroong pag-asa.” Pahayag ni Father Abodago.

Samantala pinaalalahanan din ng pari ang mga kabataan na ingatan at panatilihin ang moral na pamumuhay.

Aniya, dahil sa kapusukan ng mga kabataan at pagnanais na makatuklas ng mga bagay-bagay ay malaking porsyento ng nagkakaroon ng sakit na HIV-AIDS ay mula sa edad 15 hanggang 34.

“Malaking apektado talaga yung mga youth 15 to 34 years old kung tutuusin at kailangan talagang magsumikap na mag-abstain maging faithful lalong lalo na sa ating pananampalatayang katoliko, kung hindi man katoliko yung relasyon sa Diyos. Magsumikap na magtimpi, magtiis, huwag basta-basta magpadala sa pita ng laman.” Dagdag pa ng Pari.

Sa tala ng United Nations Program on HIV and AIDS mayroong umaabot sa 77-libong mamayan o tinatawag na People Living with HIV sa Pilipinas, subalit mahigit 62-libo lamang sa mga ito ang naiulat at na-diagnose.

Nagpaalala din ang Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Health Care, na pastoral accompaniment ang kinakailangan upang mapangalagaan ang mga taong mayroong HIV-AIDS at maalis ang stigma o masamang pagtingin sa mga ito.

Read: Pastoral accompaniment sa People with HIV/AIDS, pinaiigting ng Simbahan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 34,900 total reads

 34,900 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 70,845 total reads

 70,845 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 297,115 total reads

 297,115 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 190,583 total reads

 190,583 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 282,757 total reads

 282,757 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 35,083 total reads

 35,083 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 27,976 total reads

 27,976 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top