Diamante, mananatiling volunteer in prison matapos magretiro sa CBCP-ECPPC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 485 total reads

Tanging ang posisyon lamang ang kanyang bibitawan ngunit hindi ang diwa ng paglilingkod para sa kapakanan ng mga bilanggo.

Ito ang tiniyak ni Bro. Rudy Diamante kaugnay sa kanyang pagreretiro sa posisyon bilang Executive Secretary ng CBCP – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care.

Inihayag ni Diamante na posisyon lamang ang mawawala sa kanyang pagre-retiro sa kumisyon ngunit mananatili ang diwa ng pagtulong at paglilingkod bilang volunteer in prison na kumakalinga sa pangangailangan ng mga bilanggo.

Umaasa rin si Diamante na patuloy pang madagdagan ang kasalukuyang 86 na units ng volunteers in prison service mula sa iba’t ibang diyosesis sa buong bansa.

“Ang mawawala lang naman sa akin ay yung posisyon, hindi mawawala sa akin yung pagtulong sa ministry so nandyan pa rin ako, not in my capacity anymore as Executive Secretary but as a volunteer in prison na tumutugon pa rin dun sa pangangailangan ng mga bilanggo. Maaring mawala sa inyo yung posisyon pero sana huwag mawala yung diwa ng paglilingkod so meron kaming 86 units of volunteers in prison service sana dumami pa ito…” pahayag ni Diamante sa panayam sa Radyo Veritas.

Umaasa naman si Diamante na ang kanyang maiwang legacy o maipamana sa mga susunod na maglillingkod sa kumisyon ay ang patuloy na paglawak ng adbokasiya para sa pagtulong sa mga bilanggo.

Ayon kay Diamante, mula ng magsimula ang kumisyon noong 1975 sa pangunguna ng isang Obispo, isang Pari at isang layko ay malaki na ang inilago ng ministeryo sa lahat ng may 86 na diyosesis sa buong bansa.

Tiwala naman si Diamante na mapapangasiwaan ni Rev. Fr. Nezelle Lirio ang kanyang iiwang posisyon bilang katuwang na tagapamahala ng prison ministry ng Simbahang Katolika.

Bukod sa kakayahan at karanasan ni Fr. Lirio ay tiwala rin si Diamante na malaki ang maitutulong ng mga prison volunteers sa pagganap ng Pari sa kanyang posisyong pinangasiwaan sa loob ng 27-taon.

Epektibo sa unang araw ng Disyembre ang pagreretiro ni Diamante sa edad na 70-taong gulang kung saan papalit ang 44-na taong gulang na exorcist priest na si Fr. Lirio mula sa Diocese of Cabanatuan na 18-taon na ring naninilbihan sa Prison Ministry ng diyosesis.

Siya ang magsisilbi bilang bagong katuwang ni Legazpi Bishop Joel Baylon na siyang Chairman ng kumisyon mula noong 2017.

Umaasa naman si Diamante patuloy pang lumawak ang adbokasiya sa bansa kaugnay sa pagtulong sa kapakanan ng mga bilanggo.

Sa kasalukuyan maroong 86 na unit of volunteers ang Simbahan mula sa iba’t ibang diyosesis na mayroong 20 hanggang 100 prison volunteers na nakatalaga sa bawat bilanguan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 34,850 total reads

 34,850 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 70,797 total reads

 70,797 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 297,067 total reads

 297,067 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 190,535 total reads

 190,535 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 282,711 total reads

 282,711 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top