Kabataang Filipino, hinamong maging cyber missionaries

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 807 total reads

Ipagpatuloy ang pagiging misyonero ng kabataan, maging Cyber Missionaries.

Ito ang hamon ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco matapos ang Mission Week at Diocesan Youth Day ng Cubao, na ginanap sa Sta. Maria Dela Strada Parish noong ika-30 ng Nobyembre.

Naniniwala ang Obisop na maraming magagawa at mai-aambag ang mga kabataan sa pagpapalaganap ng salita ng Diyos lalo na sa Social Media.

“Share the word become cyber missionaries marami tayong magagawa. Yan ang aking hamon, yan ang aking hinihiling sa inyo, marami kayong ma-co-contribute para manatiling buhay, banal ang ating simbahan sa Diocese of Cubao.” bahagi ng pagninilay ni Bishop Ongtioco.

Ipinaalala ng Obispo sa mga kabataan na huwag susuko dahil laging kasama ng bawat isa ang Panginoon.

Pinayuhan din ng Obispo ang mga kabataan na panatilihing nag-aalab ang pananampalataya at pag-ibig sa Diyos na siyang magbibigay init sa buhay at pananampalataya ng kapwa.

“Kabataan dumadaan ka man ng kahirapan wag mong kalilimutan may diyos na tumatapik sayo upang gabayan ka sa buhay mo… Keep the burning love of God in your heart’s share it with the world because the moment that fire stops burning who, knows many would die of the cold.” Dagdag pa ng Obispo.

Tiwala naman si Bishop Ongtioco sa kakayahan ng mga kabataan na pagbuklurin ang lipunan sa kabila ng pagkakaiba-iba ng pananampalataya.

“Yan ang isa sa hangarin ng ating Panginoon, magkaisa, kaya ecumenism, interreligious dialogue ang Diyos ay kumikilos hindi lamang sa mga Roman Catholics kun’di sa lahat ng mga tao, sa puso ng bawat tao, at mahalaga yung contribution ng kabataan to respect the culture, the views of others, magkaisa sa Panginoon sa pagpapalaganap ng pagtutulungan, pagsuporta , pagmamahalan.” Dagdag pa ni Bishop Ongtioco.

Sa pagtatapos ng liturhikal na taon ng simbahan, at pagsisimulang muli ng panahon ng Adbiyento ipagdiriwang din sa Pilipinas bilang tema ng paghahanda sa ika-500 taon ng Krtitiyanismo sa Pilipinas ang Year of Ecumenism, Interreligious Dialogue and Indigenous Peoples.

Umaasa ang simbahang katolika na makatutulong ang mga tema ng taong ito upang makapagnilay at mapalakas ng bawat isa ang kanilang pananampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 31,080 total reads

 31,080 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 67,206 total reads

 67,206 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 293,476 total reads

 293,476 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 186,943 total reads

 186,943 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 279,332 total reads

 279,332 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 35,004 total reads

 35,004 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 27,897 total reads

 27,897 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top