Oratio Imperata laban sa COVID-19, ipapanalangin sa ‘Walk for Life’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 759 total reads

Vatican-Muling nanawagan ang kanyang Kabanalan Francisco sa mananampalataya ng panalangin para sa mamamayan ng China na nahaharap sa panganib dulot ng Novel Corona Virus o COVID-19.

“To pray for our Chinese brothers and sisters. May they find a path to recovery as soon as possible,” apela ni Pope Francis sa ginanap na Weekly General Audience sa Pope VI Hall.

Panalangin ng Santo Papa na nawa ay makahanap agad ng lunas upang tuluyan ng masugpo at mahinto ang nakamamatay na virus na sa kasalukuyan ay umaabot na sa higit 1,000 katao ang nasawi.

Ayon pa sa ulat, ang COVID-19 ay nakahawa na rin sa may 30 mga bansa habang naitala na sa 50 libo ang bilang ng mga taong nagtataglay ng sakit na nagmula sa China.

Bukod sa panalangin, una na ring nagpadala ang vatican ng anim na raang libong face masks sa lalawigan ng Hubei, Zheijang at Fujian bilang pakikiisa at tulong sa mga lugar ng China na higit na apektado ng COVID-19.

Oratio Imperata laban sa COVID-19 sa ‘Walk for Life’

Sa Pilipinas sa kabila ng mga babala sa malakihang pagtitipon, tuloy ang isasagawang taunang Walk for Life kung saan kabilang sa Gawain ang pananalangin ng Oratio Imperata upang mahinto na ang paglaganap ng COVID-19.

Ito ang inihayag ni Albert Loteyro, vice-president ng Sangguniang Layko ng Pilipinas-NCR sa gaganaping simultaneous Walk for Life sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas sa ika-15 ng Pebrero simula alas-4 ng umaga.

“Dahil ang nangyayari ngayon, isasama na sa pagdadasal ang nangyayari ngayon (COVID-19) e buhay po iyon,” ayon kay Loteyro.

Sa Maynila, ito ay isasagawa sa Quezon Memorial Circle.

Pangungunahan naman ni Bishop Broderick Pabillo- ang Apostolic Administrator ng Archdiocese of Manila ang misa kasama ang ilang Obispo at may 30 mga pari.

Ang Walk for Life ay isang paraan ng pananalangin at pagbibigay ng kaalaman sa publiko hinggil sa kahalagahan ng buhay mula sa paglilihi hanggang sa natural na kamatayan.

Gayundin ang pagtutol sa mga panukala at programa ng pamahalaan na banta sa kasagraduhan ng buhay.

“We promote life and the dignity of life, value of marriage and we are against divorce,” ayon pa kay Loteyro.

Hinihikayat din ni Loteyro ang mga dadalo sa pagtitipon na magsuot ng puting t-shirt o ng kanilang organization shirts; magdala ng banners, kandila at Rosaryo.

Maari ring magdala ng payong, extra t-shirt, tubig o mag-suot ng face masks bilang pag-iingat na rin sa kalusugan.

Kasabay din ng pagtitipon sa Maynila ang parehong mga pagkilos sa Arkidiyosesis at Diyosesis ng Tarlac, Lingayen-Dagupan, Cebu, Palo, Cagayan de Oro, Borongan at Gumaca.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 17,509 total reads

 17,509 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 54,537 total reads

 54,537 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 280,807 total reads

 280,807 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 174,274 total reads

 174,274 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 267,371 total reads

 267,371 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 290,613 total reads

 290,613 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 404,044 total reads

 404,044 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top