Obispo ng Infanta, ipinagdarasal ang kagalingan ni Fr.Pete Montallana.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,167 total reads

Nanawagan ng panalangin ang Obispo ng Prelatura ng Infanta para sa pangangalaga ng kalikasan gayundin sa mga indibidwal na patuloy nagmamalasakit upang ipagtanggol ang kaayusan ng kapaligiran.

Sa pahayag ni Bishop Bernardino Cortez, binigyang diin nitong mahalagang magkaisa ang mamamayan sa pagsusulong at pagtataguyod sa malinis at maayos na kalikasan sa kapakinabangan ng bawat isa.

Ipinanalangin din ng Obispo ang agarang paggaling ni environmentalist priest Rev. Fr. Pete Montallana na sumailalim sa operasyon dahil sa namumuong dugo sa utak.

Si Fr. Montallana ang lead convenor ng Save Sierra Madre Network Alliance ang grupong nangunguna sa pagtatanggol sa kabundukan ng Sierra Madre na nahaharap sa bantang pagkasira bunsod ng binabalak na Kaliwa Dam Project ng pamahalaan.

Batay sa nakalap na impormasyon mula sa grupong makakalikasan na kinabibilangan ni Fr. Montallana, tumaas ang blood pressure ng pari makaraan ang isinagawang pagdinig ng Senado sa usapin ng Kaliwa Dam.

Umaasa si Bishop Cortez na agarang manumbalik ang kalakasan ng kalusugan ni Fr. Montallana at maging huwaran ito ng mamamayan upang higit pang ipalaganap ang adbokasiya para sa kalikasan at mga katutubong komunidad.

PANALANGIN

[Ito po ang inyong lingkod ang obispo ng Prelatura ng Infanta samahan po ninyo ako sa pagdadasal para sa isa sa aming mga pari na si Fr. Pete Montallana na isa sa pangunahing nagsusulong ng adbokasiya para sa pagkakalinga ng ating kalikasan, sa pagmamalakasakit sa ating katutubo at sa tunay na panghabang panahong lunas sa problema ng tubig sa Kamaynilaan.]

Panginoong Hesukristo isinugo ka ng Ama upang tipunin ang lahat ng tao sa isang malaking mag-anak. Pagkaisahin mo po kaming magkakapatid na ngayon ay nananalangin para sa aming kapatid na may karamdaman na si Fr. Pete Montallana.

Ibuhos mo sa amin ang iyong Espiritu ng pagkakaisa, tulungan mo kaming mapalaganap ang kanyang mga adbokasiya sa pangangalaga ng inang kalikasan, sa pagmamalasakit at pagtatanggol sa karapatan ng ating mga kapatid na katutubo, at higit sa lahat ang Save Sierra Madre Network lalot higit ang No Kaliwa Dam and Yes to Alternative sources of water na lunas sa pangangailangan ng Kamaynilaan sa tubig.

Maging buhay na tanda nawa kami ng iyong pag-ibig at pagkakaisa kayo na nabubuhay kasama ng Ama at ng Espiritu Santo. Amen!

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 15,109 total reads

 15,109 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 35,727 total reads

 35,727 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 104,661 total reads

 104,661 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 190,029 total reads

 190,029 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 236,765 total reads

 236,765 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 284,637 total reads

 284,637 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 383,323 total reads

 383,323 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top