Pagbabawal ng Antique sa pagtatayo ng coal-fired power plant, pinuri ng Greenpeace.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,811 total views

February 24, 2020 4:59PM

Pinuri ng Greenpeace Philippines ang Antique Provincial Board sa ipinasang ordinansa na nagbabawal sa pagtatayo ng coal-fired power plant sa lalawigan.

Nakasaad sa ordinansa na ipinasa noong ika-21 ng Pebrero ang pagbabawal sa pagtatayo ng mga bagong planta sa Antique at pagbuo ng isang monitoring team na titiyak na walang makakalusot na bagong aplikasyon.

Bibigyan rin ng karampatang parusa ang mga empleyado ng local government ng Antique na magpapahintulot o magbibigay ng go-signal sa pagtatayo ng mga ito.

Matapos ipagbawal ang coal-fired power plants, bubuuin ang Antique Provincial Renewable Energy Council para sa patuloy na pagsusulong sa renewable energy.

Sa panayam ng Radyo Veritas kay Khevin Yu, climate campaigner ng Greenpeace Philippines na umaasa ang grupo na maging inspirasyon ang Provincial government ng Antique ng ibang lugar sa bansa na nag-ooperate ng Coal-fired power plant.

“We laud the Provincial Board [of Antique] for taking this step, and hopefully, this will again inspire other city to do the same and also send a strong signal to the Department of Energy and even ‘yung ibang energy company that the city and the people wants to use a better solution of our energy.” pahayag ni Yu sa Radyo Veritas.

Sa pag-aaral ng Power for People noong 2017 ay mayroon nang 26 na operational Coal-fired power plants sa Pilipinas.

Sa isang pag-aaral naman napag-alaman na bukod sa init na ibinubuga ng mga planta, naglalabas din ito ng mga nakalalasong kemikal tulad ng mercury, lead, arsenic, cadmium, sulphate at nitrate particles na lubhang mapanganib sa kalusugan ng tao.

Unang nanawagan si Diocese of Balanga Bishop Ruperto Santos na itigil na ang pagtatayo ng karagdagang planta sa Pilipinas dahil nasaksihan nito ang labis na pagkasira ng kalikasan at pagkakasakit ng taumbayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 180,601 total views

 180,601 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 210,824 total views

 210,824 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 237,470 total views

 237,470 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 332,443 total views

 332,443 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 341,753 total views

 341,753 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 135,805 total views

 135,805 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 304,012 total views

 304,012 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top