Position paper laban sa pagpapababa ng criminal age responsibility, inilabas ng mga civil society groups

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 697 total reads

Naglabas ng position paper ang Philippine Action for Youth Offenders o PAYO at ang Child Rights Network laban sa pagpapababa ng edad ng mga batang mapaparusahan ng batas o juvenile delinquency.

Ayon kay Gerry Bernabe, Vice President ng PAYO, hindi makakapigil sa mga menor-de-edad na gumagawa ng krimen ang pagpapababa sa 9 na taong gulang ang minimum age of criminal responsibility.

Nakasaad din sa position paper na magdudulot lamang ito ng negatibong resulta at epekto sa mga bata maging sa publiko.

Mariing tinututulan ng grupo ang panukalang batas na siyang magdudulot ng patuloy na pagdami ng mga batang makukulong na makakasama ng mga pusakal na kriminal sa mga bilangguan.

“Lowering the age of criminal responsibility will result to negative consequences for children and the public. It will increase the number of children detained for long periods of time,making them more likely to become hardened offenders,”pahayag ng grupo.
Kaugnay nito, iminungkahi ng grupo na dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang paghuli sa mga sindikatong gumagamit sa mga bata para gumawa ng krimen at hindi ang parusahan ang mga menor-de-edad.

“Lowering the MACR may also encourage syndicates to use even younger children in their criminal activities. Our focus should be on catching the adult syndicates instead of punishing the children. The children are easier to catch, but the root of the problem lies with the adults who use children for crimes, regardless of their age,”bahagi ng statement ng grupo.

Malaking alalahanin pa ng grupo ang malubhang sitwasyon ng mga kulungan sa bansa na hindi makatutulong sa mga bata na makukulong na makapagbagong buhay at mabigyan ng rehabilitasyon.

Ipinaalala ng grupo sa Kongreso na kinikilala ng ating konstituyon ang malaking gampanin ng mga kabataan sa lipunan na dapat isulong at protektahan ang kanilang moralidad, espiritwal na kabuuan ng pagkatao.

Umabot sa 31 ang mga signatories sa position paper kasama ang CBCP Episcopal Commission on Prison and Pastoral Care.

Nabatid na 52.7-porsiyento ng mahigit sa 101-milyong Filipino ang kabuuang populasyon ng mga kabataan sa Pilipinas na dapat pahalagahan at pagyamanin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 38,553 total reads

 38,553 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 124,231 total reads

 124,231 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 170,968 total reads

 170,968 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 218,840 total reads

 218,840 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 320,995 total reads

 320,995 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 97,259 total reads

 97,259 total reads Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 74,819 total reads

 74,819 total reads Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 113,302 total reads

 113,302 total reads Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Scroll to Top