Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Talikdan ang kasalanang sumisira sa buhay ng tao.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 70,500 total views

February 22, 2020 2:58PM

Ito ang hamon ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco sa pagsisimula ng panahon ng kuwaresma ngayong Ash Wednesday.

Ayon sa Obispo, ito ang hudyat ng mahaba at mahalagang paglalakbay ng mga mananampalataya para sa Paschal Triduum o ang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo na pundasyon ng pananampalatayang katoliko.

Dahil dito, ipinaalala ni Bishop Ongtioco na magbalik loob sa Panginoon at talikdan na ang mga kasalanang tulad ng ketong na sumisira sa buhay pananampalataya ng isang tao.

“Ang kasalanan parang ketong, unti-unti kinakain ang laman ng tao unti-unti naaagnas, unti-unti namamatay, kaya sana kilalanin natin ang kapangyarihan na manira ng kasalanan at sa kabilang banda ating kinikilala ang kapangyarihan ng pagbabalik loob pagpapatawad.” Pahayag ni Bishop Ongtioco.

Pinayuhan ng Obispo ang mga mananampalataya na sa apatnapung araw na paglalakbay tungo sa pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng Panginoon ay lagi nilang kasama ang Diyos na umaagapay at nagbibigay pag-asa.

Ipinaalala pa ng Obispo na sa mga pagdiriwang na ito ng simbahang katolika ay huwag kalimutan ng mga mananampalataya ang kapatid sa ibang pananampalataya.

Sinabi ni Bishop Ongtioco na ang dapat na maging panalangin ngayon ng mga mananampalataya ay tulad sa panalangin ni Hesus na mamayani ang pag-ibig at pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba ng paniniwala.

“Kapag mayroon kang galit sa iyong kalooban o mababa ang tingin mo sa ibang tao dahil hindi mo karelihiyon, hindi maka kristiyano yan. Ang maka-Diyos, maka-Krisitiyano ay kumikilala sa lahat ng tao bilang ating kapatid, kahit na iba ang kanilang paniniwala. Ang ating dasal, makiisa tayo kay Kristo, balang araw, tayo’y magkakaisa nagmamahalan isang pamilya nagmamahal sa Diyos.” pahayag ng Obispo.

Umaasa si Bishop Ongtioco na magiging matagumpay ang paghahanda ng mga mananampalataya sa panahon ng kuwaresma upang magbunga din ito ng tagumpay sa pagdiriwang ng muling pagkabuhay ng Panginoong Hesus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 60,893 total views

 60,893 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 128,381 total views

 128,381 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 149,446 total views

 149,446 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 170,848 total views

 170,848 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 203,381 total views

 203,381 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 337,613 total views

 337,613 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top