Archbishop Tirona, naka-self quarantine

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 525 total reads

March 14, 2020 – 12:43pm

Tiniyak ni Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona na siya ay nasa mabuting kalagayan bagamat kasalukuyang sumasailalim sa self-quarantine matapos ang kanyang naging pilgrimage sa Israel.

Ito ay makaraan ang kanyang pilgrimage sa Israel kung saan pinasinayahan din ng arsobispo ang unveiling ng Bicolano version ng Lord’s Prayer na ‘Ama Niamo’ sa Pater Noster Church sa Jerusalem.

Ayon sa Arsobispo, isang magandang pagkakataon din ang kanyang isinasagawang sa self-quarantine upang patuloy na makapagnilay at manalangin.

Pagbabahagi pa ni Archbishop Tirona bagamat nag-iisa ay patuloy ang kanyang pakikibalita sa mga pangyayari sa buong arkidiyosesis lalu’t higit sa mga may kaugnayan sa Coronavirus Disease 2019 outbreak sa bansa.

Hinimok rin ng Arsobispo ang bawat mananampalataya na bukod sa pag-iingat mula sa virus ay mahalaga ang patuloy na pananalangin para sa habag at awa ng Panginoon.

Paliwanag ni Archbishop Tirona, ang panalangin ay may pambihirang kapangyarihan bilang pananggalang ng sangkatauhan mula sa anumang banta ng kapahamakan.

Ipinag-utos na rin ng arsobispo ang pagpapaliban ng mga misa sa lahat ng parokya simula ika-14 hanggang ika-20 ng Marso bilang pag-iingat mula sa COVID-19 outbreak.

“We suspend Public Masses in the churches of the Archdiocese starting in the afternoon of March 14, 2020, until the morning of March 20, 2020. Nevertheless, priests will offer masses in the absence of the congregation for the intentions of the people. The faithful are dispensed from their Sunday Obligation on March 15, 2020,” ang bahagi ng Circular ng Archdiocese of Caceres.

Hinihimok naman ni Archbishop Tirona ang bawat mananampalataya na patuloy na manalangin sa kani-kanilang tahanan.

May live streaming din ng mga misa ang arkidiyosesis sa kanilang Archdiocesan facebook page at sa Radyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 15,718 total reads

 15,718 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 52,827 total reads

 52,827 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 279,097 total reads

 279,097 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 172,564 total reads

 172,564 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 265,804 total reads

 265,804 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top