tarlac cathedral

Diocese of Tarlac tatalima sa CBCP Circular letter 20-14.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 510 total reads

Tiniyak ng Diocese of Tarlac ang pagtugon ng diyosesis sa panibagong Circular Letter 20-14 ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines kaugnay sa pagtataas ng Public Health Emergency Code Red Sub-Level Two sa bansa dahil sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 outbreak.

Ayon kay Tarlac Bishop Enrique Macaraeg, biglang tugon sa naturang tagubilin ng CBCP at maging sa direktiba ng Tarlac Provincial Government na iwasan ang malaking pagtitipon ay pansamantala munang sususpendihin ang pagsasagawa ng banal na misa sa buong diyosesis mula ika-15 hanggang ika-25 ng Marso.

Pinahihintulutan rin ang hindi pagdalo ng mga mananampalataya sa banal sa misa tuwing linggo subalit hinihikayat na manuod o makinig ng banal na misa sa pamamagitan ng radyo, internet at telebisyo upang tumanggap ng komunyong espiritwal.

“Considering the CBCP Circular Letter 20-14 and in line with the directive of Tarlac Provincial Government to avoid public gatherings of any size to prevent the spread of Covid 19, I hereby suspend the masses in all churches, chapels and schools of the parishes and pastoral stations of the Diocese of Tarlac starting March 15 until March 25, 2020. The faithful are dispensed from their Sunday obligation. However, they are encouraged to avail themselves of the internet, radio and television to celebrate the Holy Eucharist for their spiritual nourishment.” Ang bahagi ng tagubilin ni Tarlac Bishop Enrique Macaraeg.

Tiniyak rin ni Bishop Macaraeg ang pakikibahagi ng diyosesis sa pagpapatunog ng kampana tuwing alas dose ng tanghali at alas-otso ng gabi bilang hudyat ng sabay-sabay na pananalangin ng Oratia Imperata upang ipanalangin ang kaligtasan ng lahat ng mga may sakit at pagtuklas ng lunas sa COVID-19.

“Churches should be open. Church bells will also be rung daily at 12:00 noon and 8:00 PM to call the people to pray the Oratio Imperata.” Dagdag pa ni Tarlac Bishop Enrique Macaraeg.

Nauna na ring idineklara ng World Health Organization (WHO) ang COVID-19 na pandemic dahil sa nakaaalarmang paglaganap ng sakit sa iba’t ibang bansa na hindi dapat na ipagsawalang-bahala.

Batay sa tala, umaabot na sa halos 120-libo ang nagtataglay ng sakit mula sa may 114 na iba’t ibang bansa kung saan aabot na sa 4,300 ang nasawi na pinakamadami sa China na pinagmulas ng COVID-19.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 5,290 total reads

 5,290 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 92,298 total reads

 92,298 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 129,671 total reads

 129,671 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 160,932 total reads

 160,932 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 233,491 total reads

 233,491 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 31,857 total reads

 31,857 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top