Simbahang Katolika, pinagkakatiwalaan at inaasahan sa oras ng kalamidad at pangangailangan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 324 total views

Ito ang paniniwala ng Together Ensemble Foundation matapos magbahagi sa Caritas Manila ng isang ambulansya na gagamitin para sa mga mahihirap na nangangailangan ng atensyong medikal.

Ayon kay Mr. Ramon Moreno Jr., Chevalier, Executive Vice President ng Together Ensemble Foundation, sa mahigit 30-taon nila pagsasagawa ng disaster response aid and development program ay napatunayan ng grupo na ang Simbahang Katolika ay isa sa mga tunay na mapagkakatiwalaan at nakakaabot sa mga pinakanangangailangan.

Iginiit nito na ito ang dahilan kaya naman agad silang nakipagtulungan at ipinagkatiwala sa nasabing social arm ng Archdiocese of Manila ang pangangalaga ng ambulansya.

“Sa tagal ng panahon na naninilbihan po kami sa ganitong uri dito lang sa Caritas [Manila] at [Radio] Veritas makikita natin na ang tulong na binibigay natin ay talagang umaabot sa mga nangangailangan ng tulong sa mga tamang tao at dito tayo makakasigurado na tinitiwalaan po natin ng husto,”pahayag ni Mr. Moreno sa panayam ng Radio Veritas.

Ipinagpasalamat naman ni Rev. Fr. Ricardo Valencia, Priest Minister ng Disaster Response and Preventive Health Program ng Caritas Manila ang pagtitiwala at pagtulong sa kanila ng Together Ensemble dahilan upang lalo pang pagbutihin ng kanilang institusyon ang pagtugon sa mga dukha at nangangailangan.

“Gusto namin ipa-abot sa ating partners sa together and ensemble ang malugod naming pasasalamat sa ngalan ni Fr. Anton Pascual at ng atin butihing Cardinal Chito Tagle ang aming taos pusong pasasalamat dahil sa kanilang kabutihang loob sa pagtulong sa ating mga kababayan na maabot ng serbisyo nitong ambulance na ito,” pahayag ni Fr. Valencia.

Ito na ang ikalawang sasakyang pangmedisina na natanggap ng Caritas Manila ngayon taong 2016 kung saan ang una ay mula naman sa Estados Unidos sa pamamagitan ng Bernabite Heart to Heart Ministry.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 16,386 total views

 16,386 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 44,737 total views

 44,737 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 112,467 total views

 112,467 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 135,618 total views

 135,618 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 204,654 total views

 204,654 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 92,197 total views

 92,197 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top