Pangangalaga sa kalikasan, isama sa SONA-ATM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 457 total views

Bagamat, inaasahang magiging maigsi ang unang SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte,umaasa naman itong magiging malaman at maghihintay ang Alyansa Tigil Mina ng pahayag ng pangulo kaugnay sa mga suliraning pangkalikasan.

Ayon kay Jaybee Garganera, National Coordinator ng Grupo, malaki ang pag-asa nilang pagtutuunan ng pansin ni President Duterte ang kalikasan, at hindi ito magiging katulad ng nagdaang administrasyon.

“Inaasahan namin na kahit maiksi ay mababanggit ni President Duterte yung mga issue tungkol sa environment o sa mga hinaharap nating hamon sa kalikasan. Kasi kung matatandaan natin, nitong anim na taon ni PNoy, dun sa anim na SONAng ibinigay nya, isang beses lang nabanggit yung environment kasama na yung usapin ng mining at yung natitira nating gubat,” pahayag ni Garganera sa Radyo Veritas.

Samantala, aabangan rin ng ATM ang muling pagbibigay pansin ng pangulo sa mining industry ng Pilipinas, tulad ng ipinangako nito noong panahon ng kampanya.

“So ngayon inaasahan na natin na sa unang SONA ni President Duterte, mababanggit nya ang tungkol sa mining at saka recently yung tungkol sa climate change, bukod dun inaasahan natin na uulitin nya or at least mabanggit nya muli yung kanyang paninindigan na hindi nya papayagan yung iresponsableng pagmimina,” dagdag pa ni Garganera.

Sa kasalukuyan, habang patuloy ang mining audit na isinasagawa sa 40 operating metallic mines at 65 non-metallic mines sa bansa, ay una nang nag suspinde ang Department of Environment and Natural Resources ng apat na minahan.

Ito ang Benguet Corp. Nickel Mines Inc., Zambales Diversified Metals Corp., LNL Archipelago Minerals Inc. at Eramen Minerals Inc.

Sa Laudato Si ng Santo Papa Francisco, kinokondena nito ang labis na pagmimina ng mga kumpanyang mula sa First World Countries sa mga mahihirap na bansa tulad ng Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 15,905 total views

 15,905 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 44,256 total views

 44,256 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 111,986 total views

 111,986 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 135,137 total views

 135,137 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 204,214 total views

 204,214 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 352,228 total views

 352,228 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top