AMRSP at La Salle brothers, namahagi ng tulong sa mahihirap na manggagawa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 492 total views

Kasabay ng pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ni San Jose ng Manggagawa, nagbahagi ng food packs ang Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) katuwang ang La Salle Brothers sa mga residente ng Manila North Cemetery at San Jose Parish – Agudo, Caloocan.

Sa panayam ng Radyo Veritas kay Bro. Armin Luistro FSC, ng La Salle Brothers, sinabi nito na malaking bahagi ng mga residente ng Manila North Cemetery ay tinuturing na homeless at walang permanenteng address.

“Karamihan sa kanila ay hindi rin nakalista doon sa ammelioration ng gobyerno at sa barangay. Kaya ‘yung mga taong simbahan ay natututulong tulong para makapagbigay.” pahayag ni Luistro

Dagdag pa ni Luistro hindi lamang ang mga residenteng nakakatanggap ng food packs ang natutulungan ng grupo dahil direktang binibili sa mga magsasaka at mangingisda ng iba’t ibang probinsya ang mga gulay at isda na kasama sa ipinamamahagi na food packs.

Nananatili pa rin sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine ang Metro Manila dahilan upang mawalan ng hanap buhay ang maraming Filipino.

Bagama’t maraming manggagawa ang nawalan ng hanap buhay, binigyang pagpapahalaga pa rin sila ni Rev. Fr. Angel Cortez ang Executive Secretary ng AMRSP ngayong Dakilang Kapistahan ni San Jose Manggagawa

“Kung meron mang buhay ang lipunan ngayon, ‘yun ay dahil sa mga mangaggawa na nagbigay ng kanilang buhay. Kaya lang ngayong panahon ng krisis, madaming mga manggagawa ang hindi makapagtrabaho at kung meron mang halaga itong ginagawa natin, sa ating maliit na paraan ay nawa mapasalamatan natin sila. Sa araw ng dakilang paggawa sa pamamagitan ni San Jose na inspirasyon ng mga manggagawa, dinadakila natin sila at binibigyan ng buhay sa pamamamagitan ng tulong na ito.” pahayag ni Fr. Cortez sa Radio Veritas.

MENSAHE NG KAPISTAHAN NI SAN JOSE

Binigyang diin rin ni Rev. Fr. Carlos Ilda ang kura paroko ng San Jose Parish – Agudo, Caloocan ang kahalagahan ni San Jose ngayong nahaharap ang buong mundo sa pandemya bunsod ng coronavirus disease. “May tatlong katangian si San Jose; San Jose bilang may mabuting puso, si San Jose bilang manggagawa, at si San Jose bilang isang tumutupad sa tungkulin. Itong tatlong ito ay kaakibat din natin dahil kailangan natin tumulong. Bagama’t patuloy tayong hinahamon ng ECQ na mag-stay sa bahay. Kailangan natin lumabas, hindi lumabas na hindi makatutulong, kung hindi paglabas na may maitutulong. Si San Jose ay hindi po nagpapabaya, si San Jose ay patuloy na nakikilagbay sa atin sa kabila ng ECQ”. Pahayag ni Fr. Carlos sa Radio Veritas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 60,119 total views

 60,119 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 55,988 total views

 55,988 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 92,190 total views

 92,190 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 100,452 total views

 100,452 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 124,782 total views

 124,782 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 81,258 total views

 81,258 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 271,210 total views

 271,210 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top