Caritas Manila, nagbigay ng 5.7-milyong pisong financial assistance sa 21-Diocese at Archdiocese sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,702 total reads

May 15, 2020, 1:22PM

Umabot na sa P5.7 Million Pesos ang financial assistance na ibinahagi ng Caritas Manila sa may 21 Diyosesis sa Pilipinas na naapektuhan ng krisis dulot na mga ipinatupad na Community Quarantine sa bansa dahil sa banta ng COVID-19.

Ayon sa pinakahuling datos na inilabas ng Caritas Damayan, ang Disaster Response and Crisis Program ng Caritas Manila, Ang P5.7 Milyong piso ay nilaan para sa patuloy na isinasagawang relief operation ng 21 Diyosesis sa bansa sa mga mahihirap na residente na naapektuhan ng lockdown.

Pinakamalaki ang pondo na naibahagi sa Diocese ng Tagum sa Davao Del Norte, Antique at Romblon kung saan kapwa nakakuha ito ng tig P500 libong piso habang P300 libong piso naman ang sa Archdiocese ng San Fernando sa Pampanga, Diocese ng Ilagan sa Isabela at Apostolic Vicariate ng Bontoc-Lagawe sa Mt. Province at Ifugao.

Kapwa din nakakuha ng tig P200 libong piso ang Diocese ng Tarlac, Laoag Ilocos Norte, Sorsogon, Masbate, Libmanan, Daet Camarines Norte, Mati Davao Del Sur, San Jose Nueva Ecija, Virac Catanduanes, Legaspi Albay, Kalibo Aklan at mga Arkidiyosesis tulad ng Lipa sa Batangas, Nueva Segovia sa Ilocos Sur at Caceres sa Camarines Sur maging ang Apostolic Vicariate ng Puerto Princesa sa Palawan.

“Tayo ay tumulong sa mahigit dalampung probinsya sa Luzon, Visayas at Midanao para maitulong din nila sa mga nangangailangan at sa mga mahihirap na ngayon ay lalong nahihirapan dahil sa paghinto ng kanilang mga hanap-buhay maging sila ay nasa mga probinsya” Pahayag ni Fr. Anton CT Pascual, Executive Director ng Caritas Manila.

Ang tulong ay naipa-abot sa pamamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng Radyo Veritas sa mga apektadong Diyosesis.

Magugunitang unang nagsagawa ng pagbabahagi ng mga Gift Certificates ang Caritas Manila katuwang mga Business Sector sa buong Metro Manila at mga karatig lalawigan gaya ng Rizal, Bulacan, Laguna at Cavite na umabot sa mahigit P1.3 Bilyong piso.

Patuloy din ngayon ang relief distribution ng nasabing Social Arm ng Archdiocese of Manila sa iba’t-ibang mga Parokya, kongregrasyon at Church Organizations kung saan umabot na sa mahigit 630 libong indibidwal ang kanilang naaabot o halos 120 libong Pamilya.

Kaugnay nito, umaabot na sa 10.8-milyong individuals ang nabigyan ng tulong ng Simbahang Katolika na apektado ng COVID-19 pandemic.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 3,977 total reads

 3,977 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 42,136 total reads

 42,136 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 268,407 total reads

 268,407 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 161,872 total reads

 161,872 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 255,688 total reads

 255,688 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top